RIO POV
Pauwi na kami ng anak ko sa Manila.
Kabababa lang namin ng eroplano at nagsilabasan na ang lahat ng pasahero.
I'm here... bitches!
Bwahahahahaha!
Yan ang gusto kong isigaw, pero syempre, baka mapagkamalan akong baliw.
Mahiraaaap na. Hahahaha!
"Gutom ka na ba, anak?"
tanong ko kay Andrie.
Tumango lang siya.
Kaya sumakay na kami ng taxi, dumiretso sa malapit na karinderya.
Mayaman ako, oo. Pero iba pa rin ang lasa ng lutong bahay sa kanto.
Minsan lang, masarap din bumaba sa pedestal.
Kung nagtataka kayo kung bakit walang sumundo sa amin...
Well, gugulatin ko talaga si Xander.
Para makita ko mismo ang reaksyon niya.
At kung nandoon si Sandria? Mas masaya!
Tinawagan ko na lang si Jhon.
Para ihatid kami pagkatapos naming kumain at para masaksihan na rin niya ang mangyayari.
(Tumawag ako kay Jhon)
"Hello."
simple niyang bati.
"Hatid mo naman kami sa bahay."
sabi ko.
"A.. ah. Oo. Sige ba! San kayo?"
parang nauutal pa siya.
Jeje... parang ngayon lang kami nag-usap? Hahaha.
"Malapit lang kami sa karinderya, tabi ng airport."
sabi ko.
Di nagtagal, may humintong kotse sa harap namin.
Bumaba ang salamin — si Jhon nga.
"Hali na kayo, sakay na."
ngiti niya.
"Daddy!"
masayang sigaw ni Andrie.
Dali-dali siyang pumasok sa likod. Ako naman, umupo sa harapan.
"Tayo na."
sabi ko.
Tumango lang si Jhon, pinaandar ang sasakyan.
"Bakit di ka nagpasundo kay Xander?"
tanong niya.
"Wala lang. Miss na miss ka na ng anak mo, kaya ikaw na lang tinawagan ko."
sabi ko, sabay lingon kay Andrie.
"Yes, Dad! Tama si Dada. Miss na kita."
paglalambing ng anak ko.
"Ganun ba? Bukas na bukas, mamasyal tayo kahit saan mo gusto."
pangako ni Jhon.
"Sabi mo yan ha, Dad!"
paninigurado ng anak ko.
"Oo naman. Promise 'yan."
ngiti ni Jhon, habang tutok pa rin sa pagmamaneho.
"Dad, di ba natin isasama si Dada?"
tanong ni Andrie.
Nagkatinginan kami ni Jhon.
"Ayaw naman yata ng Dada mo... baka busy siya."
sabi niya, nakangiti.
Pinapatamaan mo ba ako, Jhon?
Ngumisi lang ako.
"Oo naman, anak. Nakakahiya naman kung di ako sasama.
Alam ko, may isang tao dyan na miss na miss na ako... di lang masabi."
sabi ko, sabay sulyap kay Jhon.
Nakakainis... pero totoo rin.
At nakita ko na lang, ngumiti si Jhon.
Kahit kailan, di talaga nagbabago ang nararamdaman ko sa kanya.
Pero ngayon... sisiguraduhin ko, matutuloy ang dapat matuloy.
Miss na kita, Jhon...
Napatingin ako sa bintana.
Habang binabagtas namin ang daan, unti-unting bumigat ang mga mata ko.
Nakakapagod magbiyahe... kaya ipinikit ko na lang.
JOHN POV
Nakarating na kami sa bahay nila Rio at Xander.
Nakita ko agad sa garahe yung kotse ni Xander, nandoon.
Kahit nagtataka, ginising ko na si Rio at Andrie.
"Nandito na tayo."
sabi ko.
Bumaba kami.
Napansin din ni Rio.
"Oh... diba, kotse yun ng asawa mo?"
tanong niya, may halong sarcasm.
"Oo nga... baka may sasabihin lang kay Xander."
sabi ko, pilit na kampante ang tono.
"Baka nga. Pumasok na tayo... para malaman kung anong ginagawa niya dito."
sabi ni Rio.
Pumasok kami sa loob ng bahay.
THIRD PERSON
Pagpasok namin...
Di namin inaasahan ang matatanaw mula sa bukas na pinto ng kwarto.
Si Xander.
Si Sandria.
Magkayakap.
At higit pa doon...
Nagtitigan kami ni Rio.
Kita ko sa mukha niya galit, sakit, at ang pinakamasakit sa lahat:
Pagkabigo.
Sa harap ng lahat...
Ang katotohanan, lumabas na.
At sa isang iglap...
Nangyari ang pinakaayaw naming mangyari.
BINABASA MO ANG
Let's Play (BXB) COMPLETED
Fanfiction"Baklang nabuntis dahil sa isang pustahan" PAANO NANGYARI YUN?!
