CHAPTER 10

2.9K 104 7
                                        

RIO POV

Natapos ko na ang lahat dito sa Ilocos Sur.
Dala ko na ang divorce papers, kahit di na kailangan ang pirma niya.
Ako ang masusunod.
At, as far as I know, fake ang kasal namin ni Xander.
Niloko lang talaga niya ako.

Habang nililigpit ko ang mga gamit namin ni Andrie, biglang tumunog ang phone ko.
Tinignan ko kung sino, si Maria lang pala.
Si Maria, hindi lang basta katulong. Siya lang ang pinagkakatiwalaan ko sa bahay.

"Hello, Maria. Napatawag ka?"
tanong ko.

"Hello, Sir... kailan po kayo uuwi?"
Parang nagmamadali ang boses niya, parang gusto niya talaga akong umuwi.

"Ahm... bukas na siguro. Bakit, Maria? May nangyayari ba diyan na di ko alam?"

"Wala naman po, Sir... sige po, ipaghahanda ko na lang po si Sir Xander at yung babaeng bisita niya ng almusal."
sabi niya.

Napatigil ako.
Babaeng bisita? Sino 'yon?

"Oh... may bisita si Xander? Kaibigan daw?"
tanong ko.

"Opo, kaibigan daw po... Sandria po, Sir. Yung asawa ni Sir Jhon."
sagot niya.

Oh, I see...
Sige Maria, ipaghanda mo na sila. Bukas na bukas uuwi na kami diyan."
sabi ko, at binaba na ang tawag.

Nawala lang ako ng ilang linggo, may pinalit ka na agad?
Well... magkadugo naman kayo. Pareho kayong hayok sa laman.
Hahahaha!
Bitch kayo — ngayon kayo naman ang maghihirap! Tangina ninyo.

Pagkatapos kong mag-impake, lumabas ako ng kwarto.
Saktong nakita ko si Mama na paakyat sa hagdan.

"Oh, pupunta sana ako sa'yo para sabihing kakain na tayo. Halika na, nakahanda na ang almusal,"
sabi ni Mama.

"Tayo na..."
sabi ko, sabay akbay sa kanya.
Ganito talaga ako kina Mama at Papa, sweet ako.

Pagdating namin sa kusina, nakita ko ang anak kong si Andrie na iritado sa isang binata na katabi niya.
Hindi maikakaila, gwapo rin 'yung lalaki, tama ang pangangatawan.

"Akin na nga yang hotdog!!"
inis na sabi ni Andrie, pilit kinukuha ang hotdog sa plato ng binata.

Pero nilalayo naman ng binata ang plato.

"Ma, sino yung katabi ng anak ko?"
pabulong kong tanong kay Mama habang umuupo.

"Ah... pinsan ni Edgar sa side ng Papa niya. Si Mark."
sabi ni Mama.

Tumango lang ako.

"Tama na yan, mga bata. Kumain na kayo,"
saway ni Mama.

Si Mark, napatingin kay Andrie.

"Oh, hati na lang tayo,"
nakangiti niyang sabi.

Biglang lumiwanag ang mukha ni Andrie.
"Sige!"
at ngumiti ng matamis.

"Asus... nagba-blush!"
pang-aasar ni Edgar.

Binelatan lang ni Andrie si Edgar.
Nagtawanan kaming lahat.

Ang cute talaga ng anak ko. Mana sa akin, hahahaha!

Natapos na kaming kumain. Si Papa pumunta na sa pamamasada. Si Mama, teacher, pero wala silang pasok ngayon.

Ako, naghugas ng pinggan.

"So, natapos mo na lahat? Nakuha mo na ang mga papeles?"
tanong ni Mama.

"Oo, Ma. Nakuha ko na lahat."
sagot ko.

"Sigurado ka na ba talaga, anak?"

"Siguradong sigurado na ako, Ma. Wala nang atrasan."

"Okey... buhay mo yan. Basta mag-ingat ka. Baka sa ginagawa mo, ikaw pa ang mapahamak."
paalala ni Mama.

"Wag kayong mag-alala, Ma. Kayang kaya ko 'to. Jeje!
O, punta na lang kayo sa sala, ako na dito. Mas maganda na nga ako sa'yo."

biro ko.

Kinurot lang niya ako. "Ikaw talagang bata ka... bulero ka pa rin!"

Natapos kong maghugas at umakyat sa kwarto.
Habang nag-iimpake, iniisip ko:
"Bukas... pagbalik ko, tapos na ang lahat.
Ako naman ang papanalo."

JHON POV

Matagal nang umaalis si Sandria.
Hindi ko alam kung saan siya nagpupunta.

Riiiiing...
Tumunog ang telepono sa sala.

"Hello? Sino 'to?"

"Justine po, Sir."
Sya ang pinagkatiwalaan ko para magmasid kay Sandria.

"May balita na ba kung saan siya nagpupunta?"
tanong ko.

"Alam ko na po, Sir... pero hindi pa ako sigurado kung anong ginagawa niya doon. Sasabihin ko na lang po lahat pag kompleto na ang impormasyon."

"Okey, thank you, Justine. Basta tawagan mo agad ako."

Pagkababa ko ng tawag, napabuntong-hininga ako.

"Malalaman ko rin ang ginagawa mo, Sandria...
At pag tama ang hinala ko, Diyos na lang ang makakaalam kung anong gagawin ko."

Let's Play (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon