CHAPTER 7

2.9K 113 14
                                        

RIO POV

Nandito ako ngayon sa Italian restaurant sa mall.
Tahimik akong naka-upo, iniisip ang lahat ng nalaman ko kay Xander at Sandria, ang relasyon nila, ang anak nilang si Chris, at ang plano nilang pagnakawan ako.

Habang nag-iisip, dumating si MJ at nilapitan ang table ko.

"Anong pag-uusapan natin, bespren?"
tanong niya, halatang curious.

"It's about Xander and Sandria," sagot ko, diretso.

"What's about them?"

"They're in a relationship. At may anak sila — si Chris."

Nanlaki ang mata ni MJ, halatang gulat.

"Are you serious?? Oh my gosh... So how are you?"
Concern ang boses niya.

"I'm fine, don't worry. I can handle this.
Actually, may plano na ako."

"At ano naman yun, aber?"
Nakangisi siya, parang sabik marinig.

Kwinento ko lahat, ang nalaman ko mula kay Rex, ang plano kong tanggalin si Xander sa kompanya, ubusin ang pera niya at ilipat sa charity, at kung paano ko palalampasin muna sila bago ko ikumpisal kay Jhon ang totoo.

"Bagay lang sa kanila yan!
Dapat lang na mauna kang umatake. Tama rin na tanggalin mo na siya sa kompanya  para wala na siyang kontrol,"
galit na sabi ni MJ.

"Alam na ba ito ng pamilya mo, Daddy at Mommy?"

"Hindi pa. Sasabihin ko na lang pag tapos na ang lahat."

"Si Jhon? Alam na ba niya?"

"Hindi pa rin. Pero pag lumala ang ginagawa nila, doon ko lang ipapaalam kay Jhon."

Tumango si MJ, naiintindihan ang diskarte ko.

"Matanong ko nga," sabi ko habang nakangiti.
Napatingin si MJ.

"Ano yun?"

"Kumusta na kayo ni Niko?"
Matagal na kaming hindi nagkikita kaya curious ako.

"Ayun friend, sa awa ng Diyos stay strong pa rin."
Nakangiti siya, at kita sa mata niya ang totoong saya.

Masaya ako para sa kanya. At least siya, may taong totoo ang pagmamahal.

"Good for you. Sana magtuloy-tuloy yan. At kung may problema kayo, don't hesitate to call me ha?"

Nagngitian kaming dalawa.
Umorder na kami at nagkwentuhan pa habang hinihintay ang pagkain.

JHON POV

Nagtataka na talaga ako: gabi-gabi umaalis si Sandria ng 6 PM at uuwi ng 8 PM.
Hindi ko naman tinatanong dahil may tiwala ako sa asawa ko... pero minsan, naiisip ko: "Paano kung niloloko niya ako?"

"Daddy, ikaw ba maghahatid sa akin sa school?"
tanong ni Chris.

"Yes, big boy! Kaya kain na tayo, para sabay na tayo,"
nakangiti kong sagot.

Gwapo talaga ng anak ko. Sana wag maging babaero paglaki.

Habang kumakain kami, dumating na si Sandria  halatang puyat.
Umupo sa tabi ko.

"Hon, kain ka na."
sabi ko.

Pinagmasdan ko siya. Parang wala namang mali. Walang halata sa kilos.
Baka overthink lang ako... kaya kumain na lang ako at inihatid ko na si Chris pagkatapos.

XANDER POV

Nandito ako ngayon sa opisina. Work. As usual.

"Jean, anong balita kay Mr. Saveda?" tanong ko sa secretary.

"Pumayag siya, sir. Meeting mamayang 2 PM."

"Okay, salamat. Makakaasa kang pupunta ako."

Kung ang tanong ninyo tungkol sa amin ni Sandria...

Oo, nagkikita kami tuwing 6 PM,  lihim.
Bakit? Kasi mahal ko pa rin siya. At yes, pera lang habol ko kay Rio.

Simula pa lang, plano na ito, makuha ang yaman nila para mailigtas ang naluluging kompanya ni Papa.
Nagsimula ang lahat nung pumayag akong mag-arranged marriage sa baklang anak ng pamilya Lapitan.
Pero ngayon... babawiin ko ang nawalang pagmamahal namin ni Sandria.

At wala akong pakialam kung masaktan si Rio.
Pera lang naman habol ko sa kanya.

SANDRIA POV

Hi to all. Katatapos ko lang kumain.

Bwahahaha! Iniisip ko ang mga plano namin ni Xander — paano namin pini-perahan sina Jhon at Rio.
Ang sarap sa feeling.

Sorry na lang sa mga readers... FUCK U!!!
DAMAY DAMAY NA TO!

Let's Play (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon