CHAPTER 5

6.6K 218 2
                                        

Rio's POV

Sarap na sarap ako sa tulog ko, nang may marinig akong ungol.
Nagtaka ako kaya unti-unti akong dumilat at...

"Aaaahhh!!!!!!"
Sigaw ko, at bigla ko siyang natulak, dahilan ng pagkahulog niya sa kama.

"Ano ba!!! Natutulog ang tao!!"
bulyaw niya sa akin habang hinihimas ang likod niya.

"Bakit ako nandito??"
tanong ko.

"Nandito ka kagabi kasi ginawa natin yung activity. Nakatulog ka kaya di na kita ginising. Binuhat na lang kita at inihiga d'yan,"
sabi ni Jhon.

"Ah!! Naalala ko na..."

Bigla akong bumangon.
B-day pala ngayon ni Smith! Kailangan kong kumuha ng damit.

"Saan ka pupunta?"
tanong ni Jhon.

"Uuwi. Kukuha ng damit para sa b-day ni Smith,"
sungit-sungitan kong sagot.

"Oh, bat ang sungit mo?"
tanong niya.

"Wala,"
madiin kong sabi.

"Wag ka nang umuwi. Papahiramin na lang kita ng damit, nakahanda na lahat para pareho ang ayos natin,"
sabi niya.

Kaya umoo na lang ako.

Maya-maya, tinawag na kami ng yaya nila Jhon para kumain.

Bumaba na kami ni Jhon.
Natapos na kaming kumain.

Sabi ni Jhon, maligo na raw ako sa kwarto niya. Kumuha na lang daw ako ng damit na kasya sa akin.
Siya naman, dito lang daw muna sa baba.

...Ligo doon, ligo dito...
Ayan, mabango na ako.

Lumabas ako ng banyo na naka-topless...
Biglang pumasok si Jhon na naka-topless din!

Jhon's POV

Natapos na akong maligo kaya umakyat ako sa kwarto.
Pagbukas ko ng pinto...
Nakita ko si Rio na naka-topless.

Tinitigan ko siya...
Di ko maalis ang tingin ko sa maputi niyang katawan.
Parang babaeng-babae, flat lang ang dibdib, pero mapupula ang labi at malalaking mata na bagay na bagay sa kanya.

Natigilan ako sa pag-iisip nang bigla...

"Ahhhh!!!!! Umalis ka muna!!!"
sigaw niya sabay bato ng unan. Nasalo ko naman lahat.

Para walang gulo, lumabas na lang ako.

Maya-maya, lumabas na siya ng kwarto, nakaayos na.
Ako naman ang pumasok at nagbihis.

Pagkatapos, lumabas na ako.

Sakto, dumating na rin yung tatlo kong kaibigan, pati na rin si Josh na kaibigan ni Rio.

Lumabas na kami at sumakay.

Magkatabi sila Rio, Josh, at Niko.
Kami naman nina Smith, Jimboy, at ako sa likod.

Napansin ko lang... super close si Niko at Josh.

"Ano na?"
tanong ni Jimboy.

"Maayos, naaayon sa plano,"
sagot ko.

"Mabuti kung ganun,"
sabi ni Smith.

"Masaya pala siyang kasama,"
sabi ni Jimboy.

"Tama ka d'yan,"
sabi ni Smith.

"Pero sorry na lang siya... siya ang napili nating pag-pustahan,"
sabi ni Jimboy.

Rio's POV

Nakarating na kami sa resort nila Smith.

"Pumunta na lang kayo sa cottage number 23, doon tayo,"
sabi ni Smith.

Pumunta na kaming lahat.

Maganda yung view! Malawak ang swimming pool, maraming pagpipilian.

Naghanda na kami at inayos lahat ng pagkain.

"Oh! Heto ang damit,"
sabi ni Jhon na nakangiti.

Kinuha ko na lang para di magmukhang tanga. Hahaha.

"Salamat, ibabalik ko rin 'to pag nalabhan ko na,"
sabi ko na parang wala sa mood.

Nagpalit na sila.
Ako, heto, nakaupo kumakain ng chips. Mamaya na ako maliligo.

Napansin ko lang... sobrang close ni Niko at Josh.
Noong nasa kotse pa lang, naghaharutan na sila.

Hay, bahala na. Makakain na nga lang.

Josh's POV

Hi! First of all, gusto kong magpasalamat sa author sa pagbibigay ng line sakin sa story na 'to.
(Kapal mo!) Ay, author, manahimik ka na!
(K. Fine.)

Ang close talaga ni Niko sakin.

Linawin ko lang: BI ako.
Pero dahil sa kanya... parang nababakla na ako ng tuluyan.

Kami na lagi ang magkasama ngayon.

Si Rio?
Ayun, nasa cottage, kumakain, nagpapasaya sa sarili. Hahaha.

"Josh,"
sabi ni Niko.

"Ano yun?"
tanong ko.

"Nagka-bf ka na ba?"
tanong niya.

"Hindi. Never. Since birth,"
sagot ko.

"Ayaw mo bang subukan?"
tanong niya ulit.

"Oo, gusto. Bakit?"
pabalik kong tanong.

"Pwedeng maging bf ka?"
sabi niya, nagulat ako.

"Yes! Why not?!"
sagot ko, at bigla niya akong niyakap.

"Wag mong sasabihin na easy to get ako, ha? Kasi para sakin, hindi yung ligawan ang pinapatagal, kundi yung pagmamahalan,"
sabi ko. Bigla siyang ngumiti.

"Oo, tatandaan ko 'yan, mahal ko,"
sabi niya. Hahaha.

"Ayyyiiiiee!!!!"
sigaw nung tatlo.

Bigla kaming lumingon, sina Jhon, Smith, at Jimboy pala yun.

"Congrats, pare!"
sabi ni Smith.

"Salamat! Kami na, mga pare. Sana hindi kayo tutol,"
sabi ni Niko.

"Hindi, as long as nagmamahalan kayong totoo,"
sabi ni Jhon, nakangiti.

"O pano, let's celebrate the lovers! Punta tayo sa cottage para sa celebration!"
sabi ni Jimboy.

Let's Play (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon