CHAPTER 4

3.1K 119 9
                                        

RIO POV

Nahatid ko na si MJ sa bahay nila at papunta na ako ngayon sa school ni Andrie para sunduin siya.
Kaka-receive ko lang kasi kanina ng text na half day sila ngayon.

Kaya ako na lang ang susundo.

Nandito na ako ngayon sa tapat ng gate, hinihintay ko na lang siyang lumabas kasama ng ibang estudyante.

Habang naghihintay ako, biglang nag-ring ang cellphone ko.
Tinignan ko — si boss pala.

Sino?
Eh di yung boss ko sa recording studio kung saan ako nagtatrabaho bilang singer–composer.

Sinagot ko agad.

"Hello boss," sabi ko.

"Hello, Rio. Totoo bang ititigil mo na talaga ang career mo? Wala na bang paraan para manatili ka pa?" tanong niya, halatang malungkot ang tono.

"It's final boss. Sorry, cause my son needs me now. Kailangan niya ng papa na masasandalan at maiiyakan," sagot ko.

"Okey, okey. Your career will be done, basta gumawa ka na lang ng isang last song — ang farewell song mo." sabi niya.

"Yes, I will try my best. Goodbye, boss — my son's here na," sagot ko, sabay baba ng tawag.

Andrie POV (short)

Lumapit na ako sa kotse ni Papa at sumakay.

"So how's school?" tanong niya.

"It's fine, Papa. Pero half day kami ngayon," sagot ko.

"Great! Makakapag-bonding tayo. Saan mo gustong pumunta?" tanong niya.

"Hmm... gusto ko sa mall na lang," sagot ko.

Napansin ko parang may saglit siyang naisip. Pero ngumiti rin agad si Papa.

"Okey, sige. Mall tayo," sabi niya, sabay andar ng kotse.

Habang bumibiyahe kami, sinasabayan namin ang kanta sa radyo — Manhid Ka ni Vice Ganda.
Natawa ako kasi ang kulit ng lyrics, tapos kumakanta rin si Papa.

RIO POV

Pagdating namin sa mall, naglaro muna kami sa arcade.
Tuwang-tuwa ako na nakikita kong masaya si Andrie, napapasigaw siya pag na-shoot, tapos napapapout naman pag mintis.

Biglang may tumawag mula sa likod namin.

"Pwedeng sumali?"

JHON POV

Kanina pa ako nakatayo, pinapanood ko silang dalawa, si Andrie at si Rio.
Ang saya nilang tignan. Parang bumalik ako sa mga panahong buo pa kami.

"Pwedeng sumali?" tanong ko, medyo nag-aalangan.

Paglingon ni Andrie at Rio, napangiti si Andrie.

"Daddy!" sigaw niya, sabay takbo at yakap sa akin.

Masayang-masaya ang pakiramdam ko.
Nilabanan ko ang lungkot — kahit papaano, buo kaming tatlo ngayon, kahit sandali lang.

"Galing mo naman mag-shoot. Laban tayo? Paramihan ng score?" sabi ko.

Game agad si Andrie.

Naglaban kami. Siyempre, nanalo pa rin ako.
Tawa lang si Andrie. Si Rio, nakatingin lang, pero nakangiti.

"Kain na tayo," yaya ko.

Pumunta kami sa Korean restaurant, magkatabi lang pala ito sa Italian restaurant na pinuntahan nila Xander at Sandria kanina.

Nag-order kami, at habang kumakain, nakikita kong maraming nakatingin kay Rio. May mga nagpapapicture, pero pinilit namin tapusin ang pagkain.

"Punta tayo sa likod, may mini-park doon," yaya ko ulit.

Medyo ayaw ni Rio, pero pumayag si Andrie. Kaya pumunta kami.

Sa park, naupo kami sa damuhan.
Si Andrie nakikipaglaro sa ibang teens.

Tahimik kami ni Rio.

"Rio..." ako na ang naunang nagsalita.

"Alam kong tapos na tayo, pero sorry."

Walang sagot si Rio.

"Alam kong kasalanan ko. Pero maniwala ka, may plano akong sundan ka noon, kaya lang nagbanta si Sandria na papatayin niya ang sarili niya pag sinundan kita." paliwanag ko.

"Pero siya pa rin ang pinili mo," sabi ni Rio, hindi pa rin tumitingin.

"Patawarin mo na sana ako."

"Ano? Gagawin ko lahat ng ipapagawa mo, basta mapatawad mo lang ako."

Huminga nang malalim si Rio, saka siya ngumiti.

"Pinapatawad na kita... noon pa."

Nagulat ako.
"Talaga? Salamat, Rio. Salamat."

Nag-group hug kami. Mag-ama.

"Tayo na, hatid ko na kayo," alok ko.

"Wag na, dala ko kotse ko. Ingat ka na lang," nakangiting sabi niya.

Tinawag niya si Andrie, at umalis na sila.

RIO POV

Nandito na ako sa bahay.
8 PM na, nakaupo ako sa sofa, hinihintay ko pa rin si Xander.

Sakto namang bumukas ang pintuan. Dumating na siya.

"San ka nanggaling?
Bakit ngayon ka lang?"

tanong ko sa kanya, seryoso ang mukha ko.

Let's Play (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon