CHAPTER 9

3.1K 113 8
                                        

RIO POV

Nandito kami ngayon ni Andrie sa airport, nakaupo at hinihintay ang flight namin.
Habang nagaantay, kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang abogado ko.

"Hello, attorney? Anong balita sa pera ni Xander?"
tanong ko agad, diretso.

"Tapos na po, Ma'am Rio. Naipamigay na po namin sa iba't ibang bahay-ampunan at charities. Yung natira po, nilipat namin sa bank account ni Andrie,"
sagot niya.
Tama kayo ng narinig: ginawan ko na ng sariling bank account si Andrie — dahil darating ang panahon, kakailanganin niya 'yon.

"Okay, thank you for the cooperation, attorney. God bless you. Goodbye,"
at binaba ko na ang tawag.

"Papa, ano yung tungkol sa pera ni Daddy?"
tanong ni Andrie, nagtataka ang mukha.

"Wala 'yon, big boy. Ako na ang bahala doon,"
sagot ko, sabay ayos ng buhok niya.

*Flight to Ilocos Sur is now ready, please proceed.*

Narinig namin ang announcement.
Kaya kinuha ko ang mga maleta namin at naglakad na kami papunta sa gate.

JHON POV

Hindi na talaga ako mapalagay.
Sa mga nakaraang araw, pansin ko: palaging wala si Sandria. Umaalis tuwing gabi, minsan kasama si Chris.

Kaya nagdesisyon akong sundan siya.
May kinausap akong tao para imbestigahan ang asawa ko.
Kung may ginagawa siyang mali... Diyos ko, baka hindi ko kayanin.

Habang nasa biyahe papuntang opisina, naalala ko ang mga moments namin nina Rio at Andrie sa park.
Mahal ko pa rin talaga si Rio at kahit anong pilit kong itago, di ko siya makalimutan.

Kung sakaling pagbigyan ako ng Diyos na makabalikan namin ni Rio... pangako ko, hinding-hindi ko na siya pakakawalan.

SANDRIA POV

Papunta na ako sa bahay ni Xander, pero ramdam kong may sumusunod sa akin.
Sa rearview mirror, nakita ko ang kotse na parang sinusundan ako.

Kumaliwa ako. Kumanan. Lumiko ulit. Deretso. Kumanan.
Nang tignan ko ulit... wala na.
Nakakainis, pero at least natakasan ko.

Pagdating ko sa bahay ni Xander, nakita ko ang katulong.

"Nasaan si Xander?"
tanong ko.

"Nasa kwarto po niya, Ma'am. Gusto niyo po bang tawagin ko?"

"No need, yaya. Ako na bahala."
sabi ko.

Pag-akyat ko, nakita ko si Xander pababa ng hagdan.

"Oh babe... let's start?"
nakangising tanong ko.

"Oh hell yes, hon,"
sabi niya, sabay tingin sa katulong.

"Subukan mong magsumbong sa baklang amo mo... tanggal ka agad,"
banta niya sa katulong.

"A-Ay... hindi po... makakaasa po kayo,"
utal na sagot ng katulong, at umalis na.

Kami naman ni Xander, umakyat na sa kwarto.
At dun... alam nyo na.
Hahahaha! Masarap talaga ang bawal, mga readers!

XANDER POV

Nasa bahay na ako, nag-aabang kay Sandria.
Excited ako — di na ako makapaghintay.

Habang inaabangan ko siya, may narinig akong ingay sa sala, kaya lumabas ako.
Narinig ko ang usapan nila ng katulong.
Pero pag-akyat niya, diretso na kami sa kwarto.

Wala akong pakialam sa baklang si Rio.
Mas mahalaga si Sandria... at ang anak naming si Chris.
Balang araw, si Chris ang kikilalanin ng lahat bilang anak ko, hindi yung baklang inaampon lang si Andrie.

Third person / Spy's POV

Shit! Natakasan ako ni Ma'am Sandria!
Bitin na bitin ako. Pano ko na lang 'to sasabihin kay Sir Jhon?

Pinaharurot ko ulit ang kotse, naglibot, baka nasa paligid pa siya.
Pero wala talaga.
Ano kaya ang tinatago ni Ma'am Sandria at kailangan niya pa akong takasan?

Kailangan ko ring malaman ang katotohanan, para maiparating ko kay Sir Jhon.

Rio POV
Habang lumilipad ang eroplano papunta sa Ilocos Sur, nakatanaw ako sa ulap.
Alam ko, pagbalik ko...
Sisiguraduhin kong babagsak ang lahat ng nanloko sa akin.


Let's Play (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon