Chris POV
Nung narinig ko ulit na tinawag niya akong "my labs" tangina, parang sumabog yung lahat ng alaala sa utak ko.
Naalala ko na.
Naalala ko na yung bata kaming dalawa, nagtatakbuhan sa bakuran.
Naalala ko yung tawa niya, yung malalaking ngiti niya, yung tawag niya sa akin na "my labs."
Naalala ko na ako lang dapat ang pwedeng tumawag sa kanya ng Drie.
Naalala ko yung pangako ko... na ako ang magiging tagapagtanggol niya.
Pero putang ina, ako pa pala yung nakasakit sa kanya ngayon.
Kaya nung nakita ko na takot na takot siya, yung katawan niya nanginginig, yung mga mata niyang may luha hindi ko kinaya.
Pinahid ko yung luha niya at ang tanging nasabi ko lang:
"Wag ka nang umiyak... my labs."
Andrie POV
Parang sumabog ang puso ko nung marinig ko yun.
My labs!
Na-miss kong marinig yun sa kanya.
"Chris! Ikaw na ba yan? Naaalala mo na ako?"
Sabi ko habang hindi ko na mapigilang yakapin siya, ang higpit ng yakap ko — ayokong pakawalan.
"Ako nga, my labs... pasensya na, ngayon lang kita naalala."
Sabi niya, at nung tinitigan niya ko, hinalikan niya ko sa noo.
Sobrang na-miss ko yun, yung halik niya sa noo ko, tanda na mahal niya ako at aalagaan niya ako.
Chris POV
Hinawakan ko ang pisngi niya, kita ko pa rin yung takot, pero sa ilalim nun yung kislap ng dating Andrie na mahal ko.
"Pasensya na, my labs... ang dami kong nagawang mali. Sinaktan kita... binully kita... kahit ako, di ko maintindihan bakit ko ginawa yun."
Sabi ko na may halong guilt at sakit.
"Pero naaalala ko na lahat ngayon. Naalala ko na mahal na mahal kita noon pa... at hanggang ngayon."
Andrie POV
Nang marinig ko yun, parang gusto ko nang umiyak ulit pero sa sobrang saya na.
My labs... naalala mo rin pala yung mga dati natin...
"My labs... akala ko talaga kinalimutan mo na ako..."
Mahina kong sabi habang nakayakap pa rin ako sa kanya.
"Hindi, my labs... kahit makalimot pa yung utak ko, yung puso ko, hindi ka nakalimutan."
Chris POV
"Pwede ba kitang halikan, my labs?"
Tanong ko sa kanya, nakatingin diretso sa mata niya.
Natigilan siya saglit, pero dahan-dahan siyang tumango.
Hinawakan ko ang pisngi niya ng dalawang kamay, dahan-dahan kong inilapit ang labi ko sa kanya.
At sa wakas...
Naghalikan kami mahina lang, pero puno ng pangungulila at pagmamahal na naipon ng napakatagal.
Andrie POV
Habang magkahawak pa rin ang aming mga kamay, nakasandal ang noo ko sa kanya.
"Welcome back, my labs..."
Bulong ko.
"Nandito na ako, my labs... at hindi na kita iiwan."
Sabi niya
BINABASA MO ANG
Let's Play (BXB) COMPLETED
Fanfiction"Baklang nabuntis dahil sa isang pustahan" PAANO NANGYARI YUN?!
