CHAPTER 10

1.5K 41 2
                                        

Chris POV

Dalawang linggo... dalawang linggo ko siyang sinusundan ng tingin, umaasang babalik yung dati naming sigla. Pero sa dalawang linggo na iyon, puro sakit sa ulo at kirot sa puso ang nakuha ko.

Naalala ko pa nung isang gabi, muntikan ko na talagang masaktan si Andrie. Hindi ko maintindihan ang sarili ko noon, parang may galit akong di ko alam kung saan nanggaling.
Pag-uwi ko, nagwala ako sa bahay. Nagbasag ako ng baso, sinuntok ko yung pader...
Hanggang sa dumating sina mom at dad. Pinainom nila ako ng pampakalma.

Mom and Dad

"Chris... bakit ka nagkakaganyan? Ano bang gumugulo sa'yo?"
Tanong ni mom habang hawak ang nanginginig kong kamay.

"Mom... dad... may isang pangalan na paulit-ulit sa isip ko. Paulit-ulit, hindi ko maalis..."
"Ano'ng pangalan, anak?"
"Andrie... Andrie Peralta."

Pagkarinig na pagkarinig nila ng apelyido, nagpalitan sila ng tingin. Kita ko sa mata ni mom yung gulat at lungkot.

"Dahil ba sa kanya kaya kumikirot yang ulo mo?"
Tanong ni dad, na parang alam na niya ang sagot.

"Anak... baka oras na para sabihin namin sa'yo."
Sabi ni mom, at tumingin sa akin.

"Ano po yun, mom?"
Tanong ko, medyo natatakot, medyo sabik na rin.

"Si Andrie... kababata mo siya noon, anak. Noon pa man, kayo na ang laging magkasama.
My labs... yan ang tawag mo sa kanya, at tinawag ka rin niyang my labs.
Kayo ang magkalaro, magkaibigan... at higit pa roon."

"Pero mom... bakla siya... bakit ko siya tinawag na my labs?"
Hindi ko maintindihan, nahihiya, naguguluhan.

"Anak, don't say that word na parang pang-insulto. At isa pa, ikaw ang unang tumawag sa kanya ng my labs.
Kasi mahal mo siya noon pa. Bata ka pa lang, alam mo na yung nararamdaman mo para sa kanya."

Chris POV

Nung narinig ko yun... parang may sumabog na ilaw sa utak ko.
Bigla kong naalala yung panaginip ko noon: yung batang lalake na palaging nakangiti, tumatawag sa akin ng my labs.
Siya pala si Andrie.
At sa gabi rin na yun, napanaginipan ko na ang kabuuan. Naalala ko ang mukha niya, ang tawanan namin, ang yakapan namin...

Pagkagising ko, alam ko na ang dapat kong gawin: hanapin siya. Makipag-usap. Bumawi.

At ngayon

Sa wakas, nakausap ko na siya. Nayakap ko na rin siya. At nung marinig kong tinawag niya ulit akong "my labs"...
Tangina, parang bumalik yung buong pagkatao ko.

"Sa wakas... bumalik ka na sa akin, my labs..."

At sa oras na ito hindi ko na siya papayagang mawala ulit.

Let's Play (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon