Andrie POV
Lumipas ang ilang taon mula noong nagbalik ang alaala ni Chris at muling umusbong ang matagal ko nang inaasam na "kami."
Ngayon, pareho na kaming college students sa Peralta University -oo, sa unibersidad na itinatag ng tatay ko. Sobrang daming nagbago: mas lumawak ang mundong ginagalawan namin, mas dumami ang mga taong nakikilala, at mas dumarami rin ang pagsubok na kailangan naming harapin.
Pero isang bagay lang ang hindi nagbago, ang pagmamahal namin sa isa't isa.
Araw-araw, kahit pagod at stressed kami sa klase at projects, lagi niyang pinapaalala kung gaano niya ako kamahal. Minsan, sa simpleng pag-abot ng paborito kong kape. Minsan, sa pagyakap niya sa akin kapag alam niyang gusto ko lang umiyak.
At ako? Lagi ko rin siyang pinaaalalahanan kung gaano siya kahalaga sa akin kasi natutunan ko na noon pa man: hindi dapat tinitipid ang "mahal kita," lalo na kapag totoo.
Chris POV
Minsan, naiisip ko kung paano kaya kung hindi na bumalik ang alaala ko? Kung hindi ko naalala si Andrie? Baka ibang-iba ang kwento namin ngayon.
Pero salamat sa pagkakataon kasi dahil dito, natutunan kong ang totoong pagmamahal ay hindi lang nakabase sa alaala, kundi sa puso.
Ngayon, may mga plano na kami: tapusin ang pag-aaral, mag-travel sa labas ng bansa at balang araw, bumuo ng sarili naming pamilya. Hindi man ayon sa tradisyon, pero ayon sa kung ano ang totoo sa puso namin.
Alam kong mahaba pa ang lakbayin namin, pero hindi ko na hahayaang mawala pa siya.
Narrator POV
Sa huli, ang kwento nina Andrie at Chris ay hindi lang basta kwento ng muling pagkikita. Ito ay kwento ng dalawang pusong kahit ilang ulit mang makalimot, ay palaging mahahanap ang isa't isa kasi ang tunay na pagmamahal, hindi lang alaala, kundi pangako.
At doon nagsisimula ang tunay na happily ever after...
Salamat sa pagsubaybay sa kwento nina Andrie at Chris. Hanggang sa susunod na pag-ibig!
BINABASA MO ANG
Let's Play (BXB) COMPLETED
Fanfiction"Baklang nabuntis dahil sa isang pustahan" PAANO NANGYARI YUN?!
