RIO POV
Nahatid ko na si Andrie sa school nila, at nakita ko naman si MJ sa labas ng gate.
Lumabas ako ng sasakyan at kinawayan siya para alam niyang andito na ako.
Nakita niya ako, lumapit agad, at may ngiti sa labi.
"Long time no see," sabi niya habang palapit, sabay beso-beso.
"Aba! Saan mo naman natutunan makipag-beso? Lumelevel-up ka na ah!" sabi ko na natatawa.
"Grabe siya, oh! Tara na nga sa mall," sabi niya, at sumakay na kami sa kotse ko.
Pinaharurot ko na ang sasakyan, tinahak ang daan papuntang mall.
"So, kumusta kayo ni Xander?" tanong niya.
"Mabuti naman, stay strong pa rin. Bakit mo natanong?" balik-tanong ko.
"Wala lang, bawal na bang tanungin? Okey next question," sabay kindat niya.
"Ha? Ay ano 'to, quiz bee?" pabiro kong tanong.
"Exactly!" sagot niya.
"Iba ka talaga!" natatawa kong sabi.
"Mahal mo pa rin ba si Jhon?" tanong niya bigla.
Napahinto ako sa gitna ng kalsada.
Sandaling katahimikan.
"Di ko alam," sabi ko sa huli. "Alam kong mahal ko na si Xander... pero mas matimbang pa rin nang kaunti ang pagmamahal ko kay Jhon. Pero mas nangingibabaw na ngayon ang galit ko sa kanya."
Tahimik siya, at sabay naming narealize na nakabalandra kami sa gitna ng kalsada, bumusina na ang mga sasakyan.
"Uy! Traffic na!" sabi niya.
Binawi ko ang manibela at umusad na ulit kami.
Habang nagbibiyahe, ang dami pa niyang tanong na hindi ko sinagot:
"Malaki ba titi ni Xander?"
"Magaling ba siya sa kama?"
"May balak ka bang magkaanak sa kanya?"
"Bakit wala pa kayong anak?"
"Ilang beses kayong nagse-sex sa isang araw?"
Grabe talaga, MJ!
"So kumusta ang singing career mo?" tanong niya.
"Mabuti naman, maganda pa rin ang daloy. Pero may balak na akong tumigil... pag nakasulat ako ng farewell song para sa fans ko," sagot ko.
"Magandang sagot 'yan, pwede na!" sabi niya.
"Pwede na? Pwede na saan?" kunot-noo kong tanong.
"Pwede ka nang tumakbo pagka-presidente! Kalabanin mo si Duterte!" sabay tawa.
"Uy, wag na! Nakakatakot kaya si Digong!" natatawa rin akong sabi.
Nakarating na kami sa mall.
Pagkapasok, nagkagulo ang mga tao na may nagpapa-picture, nagpapa-autograph.
Di ko alam saan nanggagaling ang mga ballpen na pinapapirma sa akin, pero todo effort pa rin akong ngumiti at makipag-selfie.
Kasi nga, fans ang dahilan kaya sikat ang isang artist.
Kung walang ugat, mamamatay ang puno. Ganun din ang karera ko, wala ako kung wala sila.
Dumiretso kami sa Avon store, madami kaming binili.
Pagkatapos, lumabas na kami.
"Kain muna tayo," offer ni MJ.
"Okey, ikaw na bahala kung saan. Libre ko na para makabawi ako," sabi ko.
"Yun ha! Punta tayo sa Italian restaurant," suhestiyon niya.
Pumunta na nga kami.
Pumwesto kami sa dulo, pero kahit ganun, maraming nakapansin, kaya napayuko na lang ako.
"Ikaw na mag-order, tutal libre ko naman," sabi ko.
Tumingin siya sa menu, at tinawag ang waiter.
Habang kumakain kami, ang saya ng kwentuhan.
Pero bigla... pumasok ang tatlong taong hindi ko inasahan makita:
Si Xander.
Kasama si Sandria at ang anak ni Jhon na si Chris.
Kung titignan mo sila, para silang buong pamilya.
Ang akala ko, nasa trabaho si Xander.
Maaga pa siyang umalis kanina, ang sabi may meeting.
Pero ito pala ang pinuntahan niya?
"Alam kaya ito ni Daddy..." bulong ko sa sarili.
"Diba si Xander yun? At kasama pa si Sandria at ang anak nilang si Chris!"
sabi ni MJ, na napansin din pala.
Nakaisip ako ng paraan.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Xander.
Nag-ring ang phone niya, nakita ko, tinignan niya ang screen at tumayo para sumagot sa labas ng table nila.
"Sino yung tinatawagan mo?" tanong ni MJ.
"Si Xander. Tatanungin ko kung nasaan siya ngayon... at malalaman ko kung magsisinungaling siya," sagot ko.
Nag "O" shape na lang ang bibig ni MJ.
"Hello babe," sagot ni Xander sa kabilang linya.
"Nasaan ka ngayon, babe?" tanong ko, diretso.
"Nasa work ako ngayon, babe. Sige may meeting pa kami, love you, bye babe," sagot niya, at binaba ang tawag.
"Anong sabi niya?" tanong ni MJ.
"Nagsinungaling siya. Sabi niya nasa meeting daw siya..."
Ngumiti ako, pero may halong kirot.
"Well... kung gusto niya ng laro..."
Huminga ako nang malalim.
"Makikipaglaro ako."
Let's play the game again...
BINABASA MO ANG
Let's Play (BXB) COMPLETED
Fiksi Penggemar"Baklang nabuntis dahil sa isang pustahan" PAANO NANGYARI YUN?!
