CHAPTER 5

1.2K 34 0
                                        

Chris POV
(habang nakatayo pa sa harapan, kakaupo lang)

Pagkaupo ko sa tabi niya, ramdam ko agad na parang may kakaiba.
Parang may kilig na halo sa kaba.
Nakita ko siyang nakanganga ng konti, parang nagulat talaga.

"Drie... ikaw nga ba talaga ito?"

Tumikhim ako ng mahina at bahagyang ngumiti.

"Hi... Andrie, di ba?"
Sabi ko, kahit obvious naman na alam ko kung sino siya.
Pero gusto ko lang marinig mula sa kanya... gusto ko lang siguraduhin.

Andrie POV

Putek! Tumawag sya ng pangalan ko!
Parang bumalik bigla lahat ng alaala nung bata pa kami yung pagtawag nya sakin ng Drie, yung pagtawag ko sa kanya ng Chris, at yung huling yakap namin bago sila umalis.

Nag-init yung mukha ko, ewan ko kung bakit.

"Tangina Andrie, chill ka lang! First day pa lang baka mapahiya ka."

"Ah, oo... ikaw si Chris, di ba?"
Medyo nauutal pa akong sagot.

Chris POV

Nakita ko kung paano siya namula.
Parang gusto kong tumawa, pero pinigilan ko.

"Oo... ako nga."
Sabay ngiti.

"Si Drie... my labs..."

Pero hindi ko alam kung pwede ko bang sabihin agad yun.

"Baka mabigla siya... baka hindi na niya ako gusto."

Andrie POV

Nagkatitigan kami saglit.
Parang may gusto siyang sabihin pero nag-aalangan.
Ako din naman, gusto ko na siyang yakapin, pero baka isipin ng buong klase na baliw ako.

Nagkunyari na lang akong kunin yung ballpen sa bag ko para lang mabasag yung awkward na moment.

"Tanga! Andrie, first day pa lang, wag kang magpaka obvious!"

Chris POV

Pinanood ko lang siya habang kinakalikot yung bag niya.
At napangiti ako.

"Si Drie pa rin... parang wala talagang nagbago."

Andrie POV

Biglang nagsalita si ma'am sa harapan.

"O, Andrie, tulungan mo naman si Chris mamaya. Ikaw na bahala mag-tour sa kanya dito sa campus, ha?"

Tangina.
Parang gusto kong tumalon sa saya.
Pero nagkunyari na lang ako na chill.

"Opo, ma'am."
Sabi ko, pero sa loob-loob ko:

"Yes! Yes! Yes! Ako ang tour guide ng buhay mo, my labs!"

Chris POV

Nang marinig ko yun, parang gumaan bigla ang pakiramdam ko.

"Thank you, universe."

Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"Salamat, ha."
Sabi ko, medyo mahina lang.

Andrie POV

Napatingin ako sa kanya nung nagsalita sya.
Tangina, ganun pa rin yung ngiti nya.
Yung ngiti na pwedeng ikamatay ng puso ko.

"Wala yun. Ako bahala sayo."
Sabi ko, sabay ngiti din.

Sa isip ko

"Chris, my labs... this time, hindi na kita pakakawalan."

Let's Play (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon