CHAPTER 8

1.1K 36 0
                                        

Andrie POV

Tumakbo lang ako ng tumakbo palabas ng campus.
Ayokong makita nila akong umiiyak.
Ayokong makita niya akong ganito – durog na durog.

Bakit ganun, Lord?
Hindi ko na nga siya pinapansin, hindi ko na siya kinakausap, pero bakit ganun pa rin?
Bakit ang sakit pa rin?

Umupo ako sa may gilid ng waiting shed malapit sa gate ng university.
Humihikbi ako, pilit na pinapahid ang mga luha ko, pero ayaw talagang tumigil.

"My labs..."
Bulong ko sa sarili ko.
"Bakit ka nagkakaganyan?"

Chris POV

Lumabas ako ng abandonadong classroom.
Hinahanap ko siya.

Asan ka na, Andrie?

Narinig ko pa yung sigaw ko kanina  "lumayo kayo sa akin!"
Putang ina, bakit ganun?
Bakit bigla akong sinasaktan ng ulo ko nung narinig ko siyang nagsabing "my labs"?

Parang may bumalik.
Parang may nakita akong mga alaala, mga bata, naglalaro, nagkakayakap.
May narinig pa akong boses ko sa isip ko, bata pa:

"Ako lang ang pwedeng tumawag sa'yo ng Drie, ha?"

Tangina.
Ako ba yun?

Flashback

"My labs, di ba sabi mo, di mo ko iiwan?"
Tinig ni Andrie yun, bata pa siya.
"Oo, Drie, mahal kita."
Tinig ko yun. Bata pa rin ako.

Tapos biglang nagdilim.
Sumakit yung ulo ko, parang may sumabog.

Present

Hindi ko siya makita sa parking area.
Hindi ko siya makita kahit saan.

"Anong nangyayari sa akin?"
"Sino ka ba talaga sa akin, Andrie?"

Chris

"Hindi pwedeng ganito lang to. Kailangan kong malaman."

Naramdaman ko na tumutulo ang pawis ko... at may pumatak na luha sa pisngi ko.
Tangina, ako ba 'to?
Ako bang si Chris Ford na bully – umiiyak dahil lang sa isang bakla?

Hindi.
Hindi lang siya "isang bakla."
Siya si Andrie.
Siya yung tinawag kong Drie noon.

Andrie POV

Nasa kwarto na ako.
Nakahiga pero di makatulog.
Iniisip ko pa rin siya.
Bakit ganun? Ang sama-sama niya pero bakit gusto ko pa rin siya?

"My labs... sana maalala mo pa rin ako."

Chris POV

"Andrie... Drie... sino ka nga ba talaga sa buhay ko noon?"
"At... bakit sa dami ng tao, ikaw pa rin ang naiisip ko ngayon?"


Let's Play (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon