RIO POV
Nandito ako ngayon sa kusina, nagluluto ng pang-umagahan.
Tahimik ang paligid, pero ramdam ko ang bigat sa dibdib ko.
"Morning hon,"
malambing na sabi ni Xander sabay yakap mula sa likod.
Pero kumalas ako agad. Hindi ko kayang magpanggap na wala akong alam.
(Flashback, 3:00 AM)
Nagising ako sa ring ng phone ko.
Pagtingin ko, si Rex, ang private investigator ko.
"So anong balita?"
sabi ko habang palabas ako sa terrace.
"Anong koneksyon ni Xander kay Sandria?"
Tahimik muna siya, parang nag-aalangan.
"Your husband is a liar and a jerk."
"Is that so? Paano mo naman nasabi yan?"
"Ex-girlfriend niya si Sandria," sagot niya.
"Ex lang pala eh... so bakit sila nagkikita pa rin?"
"Dahil sa anak nilang si Chris."
Napahawak ako sa railing. Parang gumuho ang mundo ko.
"Paano? Sa pagkakaalam ko, anak yun ni Jhon..."
"Hindi. Walang nabuo noong nagtalik sina Sandria at Jhon.
Buntis na pala si Sandria noon kay Xander.
At nagpalabas pa sila ng kwento para paniwalain si Jhon na kanya yung bata."
"Putang—... ibig sabihin, all this time niloko lang nila ako?"
"Yes sir. At may balak silang kunin ang yaman mo, unti-unti.
Palihim silang nagkikita para pag-usapan yun."
Natahimik ako. Napangiti, pero malamig.
"All this time... pera ko lang pala ang habol.
Don't worry Rex... sila rin ang maghuhukay ng libingan nila.
Salamat."
(Flashback end)
"Bakit hon? May problema ba?"
tanong ni Xander, kunwari inosente.
Acting mo... OA pa more.
Pero hindi pa ngayon ang oras. Gagapangin ko muna siya... dahan-dahan ko siyang ibabagsak.
"Wala hon. Sige, gigisingin ko na lang si Andrie. Sabay na tayong kumain."
Tumango lang siya at ngumiti, akala mo wala siyang kasalanan.
Umakyat ako papuntang kwarto ni Andrie.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Atty. Ramirez.
"Hello, atty."
"Yes sir?"
"Pabagsakin mo si Xander. Tanggalin ang pangalan niya sa kompanya, i-freeze ang accounts niya, at ilipat lahat ng pera niya sa mga charity. Ngayon na mismo."
"Yes sir. Right away."
Binaba ko ang tawag.
Huminga nang malalim.
Pumasok ako sa kwarto. Nakita ko si Andrie, nakabihis na at gwapo.
"Ang gwapo naman ng baby ko," sabi ko habang inaayos ang kwelyo niya.
"Dada... I'm a man now, stop calling me baby!"
nakabusangot siya pero cute pa rin.
"Ok, ok. Let's go na. Naghihintay na daddy mo sa hapag."
"Ikaw ba nagluto, dada?"
"Yes, baby."
"Oh, parang nagutom ako lalo! Tara na!"
Sabay hawak sa kamay ko.
Bumaba na kami at nagsalo sa hapag.
Habang kumakain, pasulyap-sulyap ako kay Xander.
Ang galing niya magpanggap.
Wala kang makikitang guilt sa mukha.
Wag kang pakampante, Xander...
Ang pinaka-ayaw ko: niloloko ako ng taong minahal ko ng totoo.
Hindi ko idadamay si Chris, walang kasalanan ang bata.
Pero kayong dalawa ni Sandria... pagdadaanan nyo ang lahat ng sakit na binigay nyo sa akin.
Natapos kaming kumain.
Si Xander, nag-ayos na at handa nang umalis.
"Punta na ako hon," sabi niya, sabay lapit para halikan ako.
Umiwas ako. Hindi ko kaya.
"Sige na hon... baka may MAHALAGA KA NA NAMANG MEETING."
Dinidiin ko talaga yung huli.
Medyo nagulat siya, pero ngumiti pa rin.
"Oo nga pala... sige. Bye hon, bye Andrie."
Lumabas siya.
Ako naman, naghugas ng pinggan. Walang yaya ngayon, bakasyon nila.
Si Andrie, hinihintay ako para siya ihatid sa school.
Pagkatapos, nagpalit ako ng damit, kinuha ang susi.
"Let's go, anak."
Hinawakan ko siya sa balikat.
Tahimik kaming naglakad palabas.
Sa isip ko lang:
"Good luck, Xander. Unti-unti kitang ibabagsak... at sa huli, ako pa rin ang mananalo."
BINABASA MO ANG
Let's Play (BXB) COMPLETED
Fiksi Penggemar"Baklang nabuntis dahil sa isang pustahan" PAANO NANGYARI YUN?!
