FINAL CHAPTER

2.1K 36 1
                                        

Andrie POV
Nandito kami ngayon sa isang mamahaling restaurant kasi sabi ni Chris, ngayong naalala na niya ako, gusto niyang bumawi sa mga panahong nawala siya at sa mga panahon na binu-bully niya pa ako.

Kahit sinabi kong "okay na," siya pa rin ang nasunod.

Ngayon, magkaharap kaming naka-upo at nakangiti sa isa't isa. Tamang-tama naman na dumating na ang inorder namin kaya sinimulan na naming kumain.

"Hindi ko pala natanong, my labs,"
sabi ko sa kanya at napatingin siya sa akin.

"Ano naman 'yon, my labs?"
tanong niya.

"Paano ka nagka-amnesia?"
tanong ko sa kanya.

Flashback... (noong bata pa sila)
Umiiyak si Andrie habang hinahabol ang papalayong sasakyan nila Chris, pero kalaunan ay napagod din siya sa kakahabol. Si Chris naman, nakatingin kay Andrie na hinihingal sa gitna ng daan.

Nakarating sila sa airport at tinatawag na ni Sandria ang kanyang anak na si Chris, pero biglang tumakbo si Chris pabalik para puntahan si Andrie. Na-realize ng bata na ayaw niyang magkahiwalay silang dalawa. Hinabol siya ng mag-asawang Sandria at Xander kahit hindi na nila inalintana ang kanilang flight. Pero sa kasamaang palad, nabangga si Chris ng isang motor sa gitna ng kalsada, dahilan para tumama ang ulo niya at magdugo nang sobra.

Pinagamot nila ito sa malapit na ospital, pero ipinagpatuloy ang pagpapagamot sa Amerika.

Chris POV
"'Yan yung reason kung bakit ako nagka-amnesia. Pero dahil sa'yo, my labs... bumalik na rin ang alaala ko. Bonus pa ang pagmamahal mo, hihi,"
sabi ko sa kanya. Nakita kong nag-blush siya, and I found it adorable. Kaya tumayo ako mula sa aking upuan at hinalikan siya. Alam kong nagulat siya pero wala na akong pakialam.

"Liligawan kita, my labs. Nabigla ka man ngayon, pero sa huli mamahalin naman kita nang buong-buo,"
sabi ko at hinalikan ko siya ulit.

Ang pagmamahal... nakakalimutan, pero yun ay panandalian lang.
Kapag sinabi niyang "ayoko na," hayaan mo. Dahil kung mahal ka talaga, siya mismo ang lalapit at muling magsasabi ng katagang "mahal kita."

Nagka-amnesia man ako, pero hindi iyon naging hadlang sa pagmamahal ko kay Andrie na ngayon ay kaharap ko.

Wag sumuko, dahil ang sumusuko, siya ang talo.

Heto na ang huling kabanata ng pagmamahalan ng aming mga magulang. Sana, mga reader, suportahan nyo kami ni Andrie hanggang sa huli at hanggang sa muli... Paalam.

The End

Let's Play (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon