RIO POV
Nandito ako sa harapan ng school.
Papasok sana ako nang may makita akong nagkukumpulan na mga kababaihan at kabaklaan.
Habang naglalakad ako, biglang may lumabas na lalaki — si Jhon pala.
Lumabas siya mula sa grupo ng mga nagkukumpulang estudyante.
Lumapit siya sa akin, at napansin ko ang mga nasa paligid, may nagbubulungan, may kinikilig, at kung anu-ano pa
"Wag mo silang pansinin. Heto, bulaklak at tsokolate para sa'yo,"
sabi ni Jhon habang nakangiti at iniabot ang dala niya.
"Thank you, pero sana wag mo na lang ginawa 'to. Nakakahiya... baka masira pangalan mo,"
sabi ko.
"Let them be. As far as I know, this is our time,"
sabi niya pa rin, nakangiti.
Umakbay siya sa akin, at pumasok na kami.
SMITH POV
Sa wakas! Nabigyan din ako ng part sa storyang 'to.
Nandito kami ngayon sa classroom, hinihintay sila Rio at Jhon.
May plano daw si Jhon para mapasagot na niya si Rio, pero di namin alam kung ano talaga ang balak.
After 10 minutes...
May nagtitilian sa labas.
Na-curious kami, tapos bigla silang pumasok: si Rio may hawak na bulaklak at tsokolate, at si Jhon naman, parang nakangiting aso habang naka-akbay.
Wala pa kasi ang guro, kaya heto kami ngayon:
"What's up?"
tanong ko sa kanila.
"Heto, kinukuha pa rin ang 'oo' ni Rio. Pa-hard to get pa kasi,"
sabi ni Jhon, natatawa.
Kinurot naman siya ni Rio sa tagiliran.
"Aray naman, baby ko! Brutal ka na ah!"
daing ni Jhon, sabay pa-cute.
Natatawa na lang kami sa trip nila.
"May pa baby-baby ka pa dyan. Hindi pa nga kita sinasagot! At please lang, wag kang magpa-cute — di mo bagay,"
sabi ni Rio sabay kurot sa ilong ni Jhon.
"Hindi ko kasi bagay... kasi gwapo ako,"
sabi ni Jhon.
"Sige na, tama na yan. Nandyan na si Ma'am,"
sita ko.
RIO POV
Naupo na kami ni Jhon dahil dumating na si Ma'am.
Eto pa rin siya, nagpapacute! Hahaha.
Ang cute niya talaga.
Bigla siyang yumuko at bumulong sa tenga ko:
"Kailan mo ako sasagutin, baby ko?"
tanong niya, gamit ang nakakabighaning boses.
"Ano ba!!! Sa tamang panahon,"
sabi ko.
"Ano ba 'yan..."
pagbubuntong-hininga niya.
Nakakatawa, ang gwapo niya talaga kahit nakasimangot.
"Wag ka ngang maingay,"
sabi ko sa kanya. Sumimangot na lang siya.
"Date tayo?"
bulong ulit niya.
"Okie dokie,"
sabi ko, para matahimik na siya. Napangiti naman siya, ang tanga! Hahaha.
Natapos ang klase.
Lumabas kami at pumunta sa parking lot.
Pinapasok niya ako sa kotse niya, at pumunta kami sa isang sikat na restaurant.
Sa loob ng restaurant...
May nakahanda nang maraming balloons, ang ganda pa ng design!
Nang umupo kami, ang dami ring masasarap na pagkain.
Habang kumakain, bigla akong nakarinig ng kanta, yun mismong kanta ko sa singing contest: In The Name of Love.
(Pakinggan ninyo, maganda yun! — oo na author, wag na mag-plug! Panira ka ng moment eh! Jeje — grabe ka, sorry na author, love you!)
Bigla siyang tumayo, lumapit sa akin, at tinanong:
"Pwede ba kitang isayaw?"
Nag-oo na ako, at sumayaw kami.
Ang masasabi ko lang: How romantic.
Bigla siyang lumuhod sa harap ko.
Nagulat talaga ako.
"Rio Lapitan, can you be my boyfriend?"
tanong niya, habang nakaluhod.
Dahil sa sobrang saya at gulat, naiyak ako.
Tears of joy.
"Oo,"
sabi ko, habang nakatitig kami mata sa mata.
Bigla niya akong niyakap, at gumanti na rin ako ng yakap.
Tapos... hinalikan niya ako.
At yun ang hindi ko napaghandaan.
Habang naghahalikan kami, mararamdaman mo talaga na:
The kiss is magical.
Pagkatapos nun:
Kumain pa kami ulit, naglakad-lakad, naghawak-kamay.
Tapos hinatid na niya ako sa dorm.
"Salamat sa lahat,"
sabi ko sa kanya, nakangiti.
"No, thank you. You made my life colorful,"
sabi niya, at sinungaban ko na lang siya ng halik.
Pumasok na ako sa loob.
Pagka-uwi, diretso kwarto, kuha ng damit, ligo, linis ng katawan.
Bago matulog, nakatanggap ako ng text mula kay Jhon:
"Thank you sa lahat-lahat. Good night, sweet dreams, love you very much. Mua mua."
Kinilig naman ang lola ninyo!
Nireplyan ko na lang ng maraming kiss emoji at good night.
At yun, nakatulog na ako sa sobrang saya at pagod.
BINABASA MO ANG
Let's Play (BXB) COMPLETED
Fanfiction"Baklang nabuntis dahil sa isang pustahan" PAANO NANGYARI YUN?!
