CHAPTER 15

5.4K 182 1
                                        

RIO POV

Biyernes ngayon, at papasok na ako sa school. Ang saya-saya ko talaga!

Pumasok na ako sa classroom at si Josh lang ang nakita ko.

"Kumusta na kayo ni Niko?"
tanong ko nang makalapit na ako sa kanya.

"Maganda naman. Sweet pa rin siya noon hanggang ngayon. Kayo??"
balik tanong niya sa akin.

"May nangyari na sa amin,"
bulong ko.

Biglang napasigaw si Josh sa loob:

"Ano!!!!!! Hakskdnxid—"

Baka masabi pa niya ang nangyari, kaya tinakpan ko agad ang bibig niya.

"Talaga, nakakaloka ka ha! Inunahan mo pa kami ni Niko,"
sabi niya na nakangisi.

Nagkwentuhan na nga kami. Dumating na ang teacher, pero wala pa rin sila.

Recess na, at wala pa rin silang tatlo. Hinanap namin ni Josh kung saan sila nagtatambay.

Hanggang nakarating kami sa rooftop.

Aalis na sana kami ni Josh nang may narinig kaming nag-uusap. Sumilip kami sa pinto...

At yun na nga nandoon silang magbabarkada, kasama ang isang babae.

"So paano na, pare? Tapos na ang pustahan. Nanalo ako,"
sabi ni Jhon na talagang nakapagpagiba ng mundo ko.

At sa harap ko pa talaga nila ginawa ang kalaswaan na yun.

Tumakbo ako, at sa pagmamadali ko may nabasag akong gamit dahilan para makuha ang atensyon nila.

Tumakbo ako nang tumakbo...

JOSH POV

Nang marinig namin ang usapan, nalaman ko na pinagpustahan lang pala nila si Bes (Rio).
At talagang nakipag-sex pa si Jhon sa babae para ipakita na hindi niya talaga minahal si Rio.

Nagpipigil ako ng galit, gusto ko na silang sugurin.

Nakita ko na lang si Rio na tumakbo nang mabilis, at may nabasag siyang gamit na nakakuha ng atensyon nilang barkada.

Tumakbo nang tumakbo si Rio.

Natatakot na rin ako na baka pati ako pinagpustahan lang ni Niko.
Na baka hindi rin totoo ang pagmamahal niya sa akin.

"Sino yan??"
galit na tanong ni Niko, at binuksan ang pinto. Nagulat sila nang makita nila ako.

"Josh, let me explain—"
sabi ni Niko.

Pakkk!

Sinampal ko siya.

"Putang ina mo! Pustahan lang pala ang lahat! Pinaglalaruan niyo lang pala kami!"
sigaw ko, na naiiyak na.

"At ikaw, Jhon, nakita lahat ni Rio ang kalaswahan mo! Tang ina mo!"
dagdag ko.

"Nasaan siya??"
tanong ni Jhon, na nag-aalala.

"Huh! Parang may pakialam ka naman!"
sabi ko, sabay sampal sa kanya.

Yinakap ako ni Niko, pero tinulak ko siya.

"Hinding-hindi niyo siya malalapitan! Lalo na ikaw, gago!!!"
pasinghal ko kay Jhon, galit na galit.

Nagpapaawa pa, kunwari may pakialam, putang ina niya!

JHON POV

Yes!!! Ako ang nanalo sa pustahan.
Nakipag-sex ako sa babaeng kasama namin para maniwala sina Smith at Jimboy na hindi ko talaga minahal si Rio.

Inisip ko na lang na si Rio ang katalik ko, para matapos na.

Biglang may narinig kaming nabasag , at pinuntahan ni Niko.

Pagbukas ng pinto, nagulat kami na si Josh ang nandoon.

Sinampal niya ako, minura ako.

Pagkaalis ni Josh, tumakbo ako agad para hanapin si Rio, baka mawala na siya sa akin.
Kailangan ko siyang kausapin.

Pumunta ako sa dorm gamit ang kotse ko.

Nakabukas ang pinto. Pumunta ako sa kwarto niya at nakita ko siyang nag-eempake.

"Saan ka pupunta??"
tanong ko. Hindi siya sumagot, tinuloy lang ang ginagawa niya.

"Hindi ka aalis!"
galit kong sabi.

"Bakit?! Para ipamukha mo ulit sa akin na hindi mo ako mahal? Sana sinabi mo sa una pa lang na laro lang lahat, para nakipaglaro na lang din ako!"
pasinghal niyang sabi, umiiyak.

"Hindi ganun ang nakita mo!"
sabi ko, nagsusumamo.

"Ganun yun!!!"
sigaw niya.

RIO POV

Lalabas na sana ako sa pintuan nang bigla siyang sumigaw:

"Pag lumabas ka diyan, magpapakamatay ako!!!"
sigaw niya.

"Edi gawin mo! Buhay mo naman yan!"
pataray kong sagot.

At umalis na ako, nandiyan na rin kasi ang kotse sa gate.

Sumakay na ako. Habang umaandar ang kotse, rinig ko pa rin ang sigaw ni Jhon...

Nakarating na ako sa malaking bahay namin. Nandoon sina Mama at Papa.

"So ano na ang plano mo, anak?"
tanong ni Mama. Alam na nila ang nangyari, kasi bago ako umuwi at nag-empake, tinawagan ko sila.

"Dito muna ako mag-aaral, Ma at Pa. Titignan ko kung mapapatawad ko pa siya,"
sabi ko.

"O sige, anak. Nakahanda na ang kwarto mo,"
sabi ni Dad.

"Okay, aakyat na ako para maghanda,"
sabi ko.

After 4 weeks...

Heto na ako ngayon. Handa na akong patawarin si Jhon.
Matagal na yun — susurpresahin ko siya sa bahay nila.

Kasi kahit nangyari yun, araw-araw talagang nagte-text si Jhon na mahal na mahal niya ako.

Kaya naniniwala na ako...

Papunta na kami sa bahay ni baby ko. Napansin ko parang tumaba ang tiyan ko, pero di ko na inintindi yun.

Gabi na nang makarating kami sa bahay nila Jhon — at talagang nagulat ako sa nakita ko...

JHON POV

Simula nang araw na yun gabi-gabi na akong umiinom. Parang gusto ko nang patayin ang sarili ko.

Ngayon, nandito ako sa kwarto, tulala, iniisip si Rio, habang umiinom.

Napatingin ako sa bintana, gabi na pala.

Bababa sana ako, pero nakita ko ang babae na minahal ko noon, na iniwan ako si Sandria Oandas.

At parang nagbalik ang dating nararamdaman ko para sa kanya.

Nagluto si yaya, kumain na kami.
Pagkatapos, pumunta kami sa kwarto. Hindi ko na alam ang nangyari, basta ang alam ko, nakapatong na si Sandria sa akin at pareho na kaming walang saplot.

Sarap na sarap kaming dalawa — nang biglang...!!!


Let's Play (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon