CHAPTER 3

1.2K 35 0
                                        

Andrie POV

Pagkaupong–pagkaupo ko, sakto ring nagsimula si Ma'am.
Parang gusto ko nang huminga nang malalim sa sobrang kaba dahil muntik na talaga ako mahuli.

"Okey class, ngayong first day, wala tayong masyadong gagawin kundi ang mag self-introduction."
Sabi ni Ma'am habang tumitingin sa papel sa kanyang hawak.

Napapaikot na lang talaga ako ng mata.

"As usual..."
Lagi na lang ganito tuwing first day. Pero okay na rin, baka dito ko makilala ang mga bagong kaibigan o baka... baka lang... may cute na kaklase. Hehe.

Habang nagpapakilala ang mga kaklase ko, napansin ko ang isang bakanteng upuan.
Yung literal na tabi ng tabi ng upuan ko.
Nahilo ba kayo? Ako din. Pero gets nyo na yun nasa kanan ko s'ya, at bakante pa rin hanggang ngayon.

"Sino kaya yan? Late? O absent?"
Napaisip na lang ako.

"O, next! Ikaw naman, iho!"
Sabi ni Ma'am sabay tingin sa akin.

Tumayo na ako, nilagay ang kamay sa bulsa, at ngumiti.

Smile is the key! sabi nga nila.

"Good morning everyone, my name is Andrie Peralta."
Sabi ko, confident pero chill lang.

Biglang napansin kong nanlaki ang mata ni Ma'am.
"Ah..ah...ah... ikaw pala ang anak ni Jhon Peralta, ang may-ari ng Peralta University!"
Parang biglang na-starstruck siya.

"Yes po, Ma'am."
Nakangiti akong sumagot. Hindi naman sa nagyayabang ha, pero sanay na ako na ganoon ang reaksyon ng mga tao kapag nalaman ang apelyido ko.

"W-we-well, sorry for my attitude kanina."
Medyo nauutal at may halong kaba ang boses ni Ma'am. Siguro akala niya maarte ako.

"Okey lang po, Ma'am. Dapat po itrato nyo lang po ako na parang estudyante rin gaya ng iba, para di unfair. Tama ba ako, Ma'am?"
Sabi ko, sabay ngiti.

Medyo natawa ang mga kaklase ko.
At sa wakas, nakangiti na rin si Ma'am.
"Well, of course! Tama ka d'yan."
Sagot niya, at parang nawala ang tensyon sa classroom.

Pagkaupo ko, napangiti ako.

"First impression done. Hindi masama."

Tumingin ulit ako sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Sino ka kaya?"

At sakto may narinig kaming kumatok.
Bumukas ang pinto ng classroom.

Pumasok ang isang lalaking bagong dating.
Medyo matangkad, maayos ang buhok, at may bitbit na bag sa balikat.
Naka school uniform din siya, pero may kakaibang aura parang galing sa ibang bansa.
At ang pinaka nakakagulat: parang kilala ko siya.

"Good morning po, Ma'am. Sorry I'm late."
Sabi niya, medyo may accent pa.

Naglakad siya papunta sa harapan, at ngumiti sa aming lahat.
"Hi, I'm Chris... Chris Sandoval."

CHRIS.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Chris?! Siya ba yun?!"

Hindi ko alam kung iiyak ba ako, matutuwa, o tatawa.
Pero ang sigurado ako: siya na nga.
Si Chris — ang taong akala ko, hindi ko na makikita pang muli.

Let's Play (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon