CHAPTER 18

5.2K 171 10
                                        

RIO POV

Pababa na kami ng airport.

Hay... Pilipinas na naman.

Inamoy ko ang simoy ng hangin...
At biglang bumalik lahat ng masasayang alaala, lalong-lalo na ang mga pasakit na ibinigay niya.

Jhon Peralta...
I'm back!
Sabi ko sa aking isipan.

"Whoa! It's too hot in here,"
reklamo ni baby Andrie.

"Hahahaha! You will get used to it,"
sabi naman ni Zander, sabay tawa.

Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa...
At masasabi kong parang tunay silang mag-ama.

ZANDER POV

Heto na nga, sumakay na kami ng taxi, pauwi na sa bahay nila Rio.

Pasan-pasan ko si Andrie na abalang naglalaro sa cellphone ko.

Kelán kaya sasagutin ni Rio ang alok ko na maging boyfriend niya?
Pag nag-oo na siya...
Yun na siguro ang pinakamasayang araw ng buhay ko.

Kaya konting tiis na lang...

Oo, sikat na sikat na talaga si Rio sa US at hindi lang sa US, kundi sa maraming kontinente sa buong mundo.

Pero natatakot ako...
Baka pag nagkita ulit sila ni Jhon, agawin siya sa akin.

Kung hindi ninyo alam
cousin ko si Jhon.
Pero hindi alam 'yon ni Rio.

At hindi rin alam ni Rio na si ama ni Jhon ang pakay ko dito sa Pilipinas.

Sana sa akin pa rin ang bagsak ni Rio...
Hindi ko kakayanin kung hindi.

Pagdating sa bahay, nagbihis na kami at dahil sa pagod, nag-idlip kaming tatlo.

JHON POV

Hindi ko na alam kung ilang taon na rin ang lumipas...

Kumusta na kaya siya?

Oo, nakikita ko pa rin ang mga music videos ni Rio, magaling pa rin siyang kumanta at sumayaw.

At...
Nag-sisisi ako sa lahat ng ginawa ko.

Mahal na mahal ko pa rin siya.

Biglang naputol ang iniisip ko nang

"Mahal, ready ka na ba?"
tanong ng babaeng pakakasalan ko.

Oo nga pala...

Tama kayo ng nabasa  hahaha char! Joke!

Kung naaalala ninyo, sa past chapter, katalik ko si Sandria  yung ex ko.

At oo...
Papakasalan ko siya dahil may anak na kami.

Labag man sa kalooban ko, pero pumayag na ako.
Para na rin sa kinabukasan ng anak namin.

Pero di ko maikakaila...
Mahal na mahal ko pa rin si Rio.

"Oo, mahal,"
sabi ko.

Pupunta kami sa isang kilalang wedding organizer para i-set up ang kasal.

At yun na nga, gumayak na kami.

Ang pangalan ng anak namin ni Sandria ay Chris, 4 years old na.
Gwapong bata.

RIO POV

Nagising ako na nakayakap kay Zander.

Pagtingin ko sa mukha niya, parang ang payapa...

Kaya naisipan kong maging sweet naman sa kanya, kasi nung nasa US kami, siya na lang palaging sweet at laging sumusuyo.

Kaya ako naman ngayon...
ipagluluto ko siya.

Bumaba ako ng hagdan papunta sa kusina.

Pagkababa ko, nakita ko sina Mommy at Daddy na nagkakape at handa na pumasok.

"Morning, Mom! Morning, Dad,"
sabi ko sabay halik sa kanilang pisngi.

"Gising na pala ang prinsesa natin,"
sabi ni Dad na nambobola.

"Haha! Dad talaga..."
sabi ko na lang.

"Kamusta ka na, anak?"
tanong ni Mom.

"I'm fine. I'm good,"
sagot ko.

At nagpaalam sila na aalis na.
Yang dalawa palagi talagang sabay pagpasok sa trabaho.

...

Naghanda ako ng almusal:
pritong bacon, egg, fried rice at simpleng iced tea.

Umakyat ako sa kwarto namin, dala ang tray.

Tumabi ako sa kama, hinawakan ang noo ni Zander, nilaro-laro ang buhok niya.

Unti-unti siyang dumilat...
At pag nakita niya ako, bigla siyang ngumiti.

Hinila niya ako palapit, niyakap, sabay tawa. Hahaha!

"Good morning,"
magiliw niyang sabi.

"Morning, too. Heto, pinaghandaan kita para makapag-ayos ka na papasok sa trabaho,"
sabi ko.

"Oh! Nag-abala ka pa... Salamat, beh,"
sabi niya na parang pabebe.

"Beh?! Talaga?"
tanong ko na nakangiti.

"Bakit? Ayaw mo?"
sabi niya, sabay pout.

Oh oh...
Tignan mo 'to — naka-pout na naman. 😂

"Wag ka ngang ganyan, pangit mo!"
biro ko. Pero sa totoo lang, cute niya pag naka-pout.

Nagkulitan kami, nagtawanan...
Paminsan-minsan nagpapasubo ng kanin sa isa't isa.

Pagkatapos ng kulitan, pumasok na siya sa trabaho.

Dahil wala akong magawa, binuksan ko ang Instagram.

At nakita ko ang picture ni Jhon kasama si Sandria, naka-wedding attire.
Ang caption:

"Wedding is coming."

At doon... napaisip na ako.

Kung ano ang gagawin ko...
kung paano ko sisimulan ang aking plano.

Let's Play (BXB) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon