Hindi ko man masabi ang nadarama kong ito sa iyo,
Sana madama mo sa bawat liriko ng tulang ito
Ang lahat ng ninanais ipabatid ng pusong ito.
Sana mabasa mo ito sa panahong nakatakbo na ako
Sa masamang panaginip na idinulot mo.
Paano ko sisimulan ang paglayo sa iyo. Kung bawat hakbang ay dinudurog ang puso ko. Sa bawat agwat ng paglayo, Parang sinasaksak ng ilang ulit, paulit-ulit, ang nadarama ng dibdib ko.
Hindi hahayaan na makita mo akong lumuluha. Hindi ako papayag na malaman mong ako'y nagdurusa. Hindi ipadarama sa iyo na ikaw lang ang kailangan ko at walang ng iba pa. Tatalikod at hihikbi mag-isa, 'wag mo lang makitang durog na durog na.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.