Hindi ko man masabi ang nadarama kong ito sa iyo,
Sana madama mo sa bawat liriko ng tulang ito
Ang lahat ng ninanais ipabatid ng pusong ito.
Sana mabasa mo ito sa panahong nakatakbo na ako
Sa masamang panaginip na idinulot mo.
Ako ay gumawa ng obra. Hinati ko ito sa dalawa. Ang iyong pagdating. At ang iyong pag-alis.
Bakit kung mayroong darating Paniguradong may aalis? Bakit kung mayroong magbubukas, Mayroon din namang magsasara.
Dalawa naman ang aking kamay. Maari akong humawak ng dalawang bagay. Isa ay ang ibigin ako, At ang isa ay manatiling kapiling ko.
Hawak ko pa rin mga pangako mo. Ang mga katagang pinagkapitan ko. Kahit bawat kapit ko ay ang pagdugo nito. Sa lahat ng sakit ng kasinungalingan mo.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
------------------------- SAVAGEBLOSSOM Wattpad 2018 All Rights Reserved ------------------------