Hindi ko man masabi ang nadarama kong ito sa iyo,
Sana madama mo sa bawat liriko ng tulang ito
Ang lahat ng ninanais ipabatid ng pusong ito.
Sana mabasa mo ito sa panahong nakatakbo na ako
Sa masamang panaginip na idinulot mo.
Kumakapit sa mga sandaling puwede pa. Kumakapit sa pag-asang baka mayroon pa. Baka may pag-ibig pang natitira. Sa puso mo na minsang ako ang nakapinta.
Kumakapit sa mga sandaling baka naman maayos pa. Kumakapit sa tali na ako na lamang ang nakakapit. Sa pag-aakalang baka isip mo magbago pa. Baka sakaling ikaw ay bumalik at ako ay iyo namang piliin.
Kumakapit sa mga pangako na alam kong nakapako na. Kumakapit na baka maisipan mong may taong minsan nagpasaya sa iyo. Noong mga sandali na tayo pang dalawa ang masayang magkasama. Baka sakaling maalala mo ang pagmamahal na naramdaman mo noong tayo pa.
Kumakapit sa sinabi mo. Sa sinabi mong mahal mo ako. Alam kong tunay mga katagang iyon. Kaya kahit masakit na ang aking pagkapit, pinanghahawakan ko pa rin iyon.
Kumakapit na baka sakali lang, Makita mong muli ako. Kumapakit na baka kahit isang pagkakataon lang, Maibalik pa natin ang dating tayo.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SAVAGEBLOSSOM WATTPAD2018 ALL RIGHTS RESERVED --------------------------------------