Titulo: Pagdungaw
Pagdungaw sa natitirang alaala.
Pagdungaw sa matang umaasa.
Pagdungaw sa sikip ng dibdib na hanggang ngayon ay tinatamasa.
Pagdungaw sa mga nakaraan na unti-unti nang nawawala.Muli kong sinariwa ang sugat.
Humihilom na pala ang bigat.
Kaunting marka ng sakit ng nagdaan.
Na dati ay akala ko'y walang hanggan.Kung naaalala pa kita.
Ito ay dahil may kaunti pang natitira.
Mga sugat na hindi na ikaw ang kagalingan.
At mga tanong na hindi na ikaw ang kasagutan.Sa pagdungaw ko sa mga natitirang pag-asa.
Hindi ko na mahanap ang sarili kong kasama ka pa.
Hindi ko na makita ang sarili kong masaya kapaling ka.
Naglaho na ang pag-asa na tayong muli ay magkakaroon pa ng isang pahina.Dumungaw ang matang mapanglaw.
Mula sa mga mata na laging hanap ay ikaw.
Sa kasalukuyan na dumudungaw,
Ang mga mata na masaya na sa kinabukasan ng balang araw.Ang balang araw ay hindi na ikaw.
Mga mata na naghahanap na ng ilaw.
Ang puso na walang kumot sa sobrang ginaw.
Mga gabi na nasanay na katabi ay 'di na ikaw.---------------------------
SAVAGEBLOSSOM
Wattpad2018
All Rights Reserved
--------------------------
BINABASA MO ANG
Tula Ng Sawi
PoesiaHindi ko man masabi ang nadarama kong ito sa iyo, Sana madama mo sa bawat liriko ng tulang ito Ang lahat ng ninanais ipabatid ng pusong ito. Sana mabasa mo ito sa panahong nakatakbo na ako Sa masamang panaginip na idinulot mo.