Hindi ko man masabi ang nadarama kong ito sa iyo,
Sana madama mo sa bawat liriko ng tulang ito
Ang lahat ng ninanais ipabatid ng pusong ito.
Sana mabasa mo ito sa panahong nakatakbo na ako
Sa masamang panaginip na idinulot mo.
Sinaktan ka niya. Sinaktan mo ako. Hanggang kailan tayo maglalaro? Ng sakit-sakitan na kagaya nito? Isang paglingon na lang sana, Para mawala na ang lahat. Isang pagluha na lang sana, Para mapawi ang lahat. Lumilingon pa rin ako pabalik sa iyo. Akala ko tapos na ako sa pagmamahal sa iyo. Ngunit dama ko pa rin ang sakit. Ang damdaming pinuno mo ng pasakit. Ang bigat pa rin ng dibdib. Tuwing maalala kita na kasama siya. Tuwing iniisip kung gaano ka kasaya, Dahil kasama mo siya. Masaya ka na ba talaga? Bakit ako hindi pa? Ang daya mo naman, Bakit ako nandito pa rin? Kahit ang layo mo na, Puso ko'y laman ka pa rin.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Savageblossom wattpad2018 All Rights Reserved --------------------------------