Tula #44

103 2 0
                                    

Titulo: Kung bakit kita inibig

Hindi sukat ng mga tala,
Ang mga hiling kong ikaw lang ang laman.
Kung paano ko naramdaman.
Pag-ibig na sa iyo ko lang matatagpuan.

May pag-ibig na nagsimula sa asaran.
May pag-ibig din namang nagsimula sa harutan.
Pero bakit nga ba ganoon?
Ang pag-ibig natin ay nagsimula sa wala lang.

Blangko ang papel natin.
Bawat araw napipintahan.
Hanggang sa makabuo ng mga istorya.
Napapasaya mo na ako sa tuwina.

Tuwing nalulungkot ako,
Nariyan ka para alalayan ako.
Hindi ka mag-aalinlangan,
Para pangitiin ako.

Tuwing masama ang loob ko,
Nariyan ka para pagaanin ito.
Lalakbayin mo mahabang byahe,
Mapuntahan lamang ako.

At tuwing may hindi inaasahan sa aking buhay.
Nariyan ka para karamay ko.
Hawak mo kamay ko.
Nagsasabing kaya ko ito.

Nakita mo iyon?
Ang tala na nahulog para tupdin.
Ang hiling kong maging masaya ka, kahit 'di sa 'king piling.
Naalala kong hindi nga pala ako, tunay na liwanag ng mundo mo.

Inibig kita kahit puso mo'y para na sa iba.
Inibig kita, kahit buhay mo'y laan na sa kaniya.
Inibig kita, kahit katuparan ng kaligayahan mo ay hindi ako sa iyong tabi.
Inibig kasi kita, sa dahilan na sa pagitan lamang ng buwan at mga bituin sa kalangitan ang nakakaalam.

Inibig kasi kita, sa dahilan na sa pagitan lamang ng buwan at mga bituin sa kalangitan ang nakakaalam

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Savageblossom
Wattpad2018
All Rights Reserved
✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏

Tula Ng SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon