Hindi ko man masabi ang nadarama kong ito sa iyo,
Sana madama mo sa bawat liriko ng tulang ito
Ang lahat ng ninanais ipabatid ng pusong ito.
Sana mabasa mo ito sa panahong nakatakbo na ako
Sa masamang panaginip na idinulot mo.
Noong tayo'y bata pa Ika'y iniiwasan na. Kilala kang basag ulo Tambay lagi sa kanto. Ako'y todo iwas Upang landas nati'y lumiwas. Siga kang tunay. Ako ay laging matamlay. Laruan mo noon ay bisekleta. Ako ay laging nasa bahay nag-iisa. Hindi ko na pala kailangang umiwas. Dahil tiyak 'di tutugma ating landas. Ugali natin ay 'di sundo. 'Pagkat magkaiba ikot ng ating mundo.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.