Titulo: Mahal pa rin kita
Kay hirap sambitin
Kay hirap aminin.
Labim-apat na letra,
Apat na mga salita.Kay hirap sabihin
Kay hirap banggitin.
Kabog sa dibdib abot hanggang ibayo.
Daig nito tambol sa kanto.Kay hirap bigkasin 'pagkat hindi na maari.
Kay sikip ng dibdib tila di mapakali.
Ayaw nitong kumawala hangga't 'di nasasabi.
Mga katagang tanging ako lang makakapagsabi.Ang hina ng aking loob.
Kasing hina ng aking bulyaw.
Dahil mukhang kahit anong aking sigaw,
Sarado ang iyong pandinig.Mahina man ay paulit-ulit kong isisigaw,
Mahal pa rin kita,
Kahit ako'y 'di mo rinig.
Paulit-ulit kong isasambit...Mahal pa rin kita.
------------------------------
SAVAGEBLOSSOM
Wattpad2018
All Rights Reserved
--------------------------------
BINABASA MO ANG
Tula Ng Sawi
PoetryHindi ko man masabi ang nadarama kong ito sa iyo, Sana madama mo sa bawat liriko ng tulang ito Ang lahat ng ninanais ipabatid ng pusong ito. Sana mabasa mo ito sa panahong nakatakbo na ako Sa masamang panaginip na idinulot mo.