Titulo: Hindi ito tula. Hugot 'to!
May nakasagi sa akin kanina.
Humingi naman siya ng paumanhin.
Naramdaman atang may nasaktan siya.
Sabi ko, okay lang.
Sanay naman na ako.
Ang masaktan nang hindi niya nalalaman.
Ang masaktan nang hindi niya sinasadya.
Ang masaktan kahit walang humihingi ng paumanhin.
Minsan akala ko sadya na.
Akala ko, normal na lang.
Iyong nasasaktan ako.
Nasasaktan ako nang paulit-ulit.
Bakit nga ba ganoon?
Dahil tinatanggap ko siya nang paulit-ulit?
Iyong pinapatawad ko siya nang ilang ulit?
Kaya nga ba niya ako paulit-paulit lamang sinasaktan?
Okay lang naman.
Ako lang naman.
Sino ba naman ako para sa kaniya?
Isang laruan na itatapon na lang.
Isang bagay na hindi nababagay sa kaniya.
Minsan mas masakit pa ang hindi mahalin.
Kaysa masagi ka ng isang taong hindi mo kaanu-ano.
Mas masakit pa ang hindi ibigin,
Kaysa ang gawin kang pader ng taong ginawa mong mundo.**Puro kalokohan na ang aking mga susunod na ihahain sa Tula ng Sawi! CONGRATULATIONS DAHIL NAABOT MONG BASAHIN ANG TULA HANGGANG DITO! KAWAY SA IYO! :)
---------------------
SAVAGEBLOSSOM
Wattpad2018
All Rights Reserved
---------------------
BINABASA MO ANG
Tula Ng Sawi
PuisiHindi ko man masabi ang nadarama kong ito sa iyo, Sana madama mo sa bawat liriko ng tulang ito Ang lahat ng ninanais ipabatid ng pusong ito. Sana mabasa mo ito sa panahong nakatakbo na ako Sa masamang panaginip na idinulot mo.