Titulo: Panahong bumabalik
Ganitong mga panahon.
Malakas ang buhos ng ulan.
Kasabay ng patak ng matang luhaan.
Naalimpungatan tuwing sasapit ang tag-ulan.Sinubok ihawi ang kurtina.
Tinitignan kung madilim na ba.
Wala na ang sikat ng araw.
Naglaho na parang ikaw.Pakiwari ng mga matang naninimdim.
Mga puso na humahangos sa dilim.
Pinupukaw ang gunitang parating nawawala.
Bumabalik sa dating hikahos at pangungulila.Itong panahon na bumabalik.
Pabago-bago ihip ng hangin na humahalik.
Minsan ay wala,
Madalas ay hanap-hanap ka.
-SAVAGEBLOSSOM
BINABASA MO ANG
Tula Ng Sawi
PoesiaHindi ko man masabi ang nadarama kong ito sa iyo, Sana madama mo sa bawat liriko ng tulang ito Ang lahat ng ninanais ipabatid ng pusong ito. Sana mabasa mo ito sa panahong nakatakbo na ako Sa masamang panaginip na idinulot mo.