Hindi ko man masabi ang nadarama kong ito sa iyo,
Sana madama mo sa bawat liriko ng tulang ito
Ang lahat ng ninanais ipabatid ng pusong ito.
Sana mabasa mo ito sa panahong nakatakbo na ako
Sa masamang panaginip na idinulot mo.
Mahal mo ba ako? Minahal mo ba ako? Sana kahit kahit kaunting sagot Magkaron man lang ako.
Hindi ko akalain, Magiging ganito katagal. Ang pagluha ko't pagdarasal. Sa gabi-gabing lumipas iyak lang aking usal.
Akala ko okay na ako. Akala ko malakas na ako. Akala ko masaya na ako. Dinadaya ko lang pala sarili ko.
Hindi pala totoo ang pagtawa ko. Sa sobrang galing ko magtago, Pati sarili ko, napaniwala ko na. Sa kasinungalingang, kaya ko na.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.