Tula 23

222 6 2
                                    

Titulo: Kailan ang paghilom?

Malalim ang sugat.
Kahit anong gamot,
Hindi tumatalab.
Parang apoy lalong lumalagablab.

Sabi nila,
Oras ang katapat.
Panahon siyang magdidikta
Paghilom ng sugat na iniinda.

Ilang beses ba akong nadapa?
Bakit mas lalong lumalala?
Babangon at muling madarapa.
Parang lagi na lang sinasadya.

Mas lalo lamang atang humahapdi,
Paglipas ng mga araw hindi ko na mapipili.
Mabilis pa sa hanging dumaan.
Ngunit hindi ito nagamot kailanman.

Paano nga ba ito hihilom?
Gayong nasa loob ang tunay na galos.
Hindi makita 'pagkat sa loob ito tumagos.
Tanging ako lang siyang magpapahilom.

Lumaklak na ng alkohol.
Sinubukan na rin ang katol.
Kailan nga ba ako hihilom?
Kapag ba naging mahid na ang puso ko?

Pilit akong kumakawala.
Sa sakit ng lagi mong pagbalewala.
Siguro nga'y kahit anong gawin.
Kung 'di pa handang tanggapin,
Hindi ito kailanman mawawala.

--------------------------SAVAGEBLOSSOMWattpad2018All Rights Reserved-------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

--------------------------
SAVAGEBLOSSOM
Wattpad2018
All Rights Reserved
-------------------------

Tula Ng SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon