Hindi ko man masabi ang nadarama kong ito sa iyo,
Sana madama mo sa bawat liriko ng tulang ito
Ang lahat ng ninanais ipabatid ng pusong ito.
Sana mabasa mo ito sa panahong nakatakbo na ako
Sa masamang panaginip na idinulot mo.
Alam ko, kahit lumayo ako, hindi mo ako hahabulin. Alam ko, kahit mawala ako, hindi mo ako hahanapin. Alam ko, kahit umiyak ako, hindi mo ako papatahanin. Alam ko, kahit mahalin kita, hindi mo ako mamahalin.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.