Hindi ko man masabi ang nadarama kong ito sa iyo,
Sana madama mo sa bawat liriko ng tulang ito
Ang lahat ng ninanais ipabatid ng pusong ito.
Sana mabasa mo ito sa panahong nakatakbo na ako
Sa masamang panaginip na idinulot mo.
Sinubukan kong imulat ang aking mata. Nang makita kong ika'y wala pa rin sinta. Pinikit ko itong muli at nangarap. Na sa aking pagmulat ikaw ay akin nang kaharap.
Balewala ba talaga ang aking pagpapanggap? Kung tuwing gabi naman ay laging ikaw ang pinapangarap. Kahit dayain ko ang sarili, Sa puso ko'y hindi maitatanggi. Iisa pa rin ang nais nitong tinatangi.
Saan ang dulo nitong kahangalan? Mukhang wala pa rin akong kamuwang-muwang. Bakit patuloy akong nagiging mangmang? Sa taong hindi iibig sa akin kailanman.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
------------------------- SAVAGEBLOSSOM Wattpad2018 All Rights Reserved ------------------------