Hindi ko man masabi ang nadarama kong ito sa iyo,
Sana madama mo sa bawat liriko ng tulang ito
Ang lahat ng ninanais ipabatid ng pusong ito.
Sana mabasa mo ito sa panahong nakatakbo na ako
Sa masamang panaginip na idinulot mo.
Mayroon akong ibinigay sa iyo. Nang mahawakan mo ito, Tuwang-tuwa ka nang mapasa iyo ito. Bakas ang saya sa buong mukha mo.
Sabi ko, ingatan mo ito. Dahil sa iyo ko lamang maibibigay ito. Walang kapalit, basta't mahalin mo lamang ito. Buong puso kong iaalay para lamang sa iyo.
Lumipas ang mga araw, Masaya naman ang mga nagdaan. Ngunit bakit isang araw, Bigla na lang nagbago ang lahat.
May nakita kang iba. Ibinigay niya kagaya ng aking binigay. Mas maganda ito kaysa sa aking ini-alay. Kaya pala, nakita ko na lang ang aking binigay, sa tabi ng basurahan.
Pinulot ko ito. Naawa ako rito. 'Pagkat nakita kong wasak na ito. Basag-basag at itinapon na lang basta-basta.
Sabi ko ingatan mo, Pero pinaglaruan mo lamang ito. Sabi ko mahalin mo, Pero pinagsawaan at pinagpalit mo lamang ito.
Wala na ngang bayad. Wala na ngang kapalit. Binigay na nga ang lahat sa akin. Ngunit nagawa mo pa rin itong sayangin.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
------------------------------
SAVAGEBLOSSOM wattpad2018 All Rights Reserved ---------------------------------