Hindi ko man masabi ang nadarama kong ito sa iyo,
Sana madama mo sa bawat liriko ng tulang ito
Ang lahat ng ninanais ipabatid ng pusong ito.
Sana mabasa mo ito sa panahong nakatakbo na ako
Sa masamang panaginip na idinulot mo.
Niyakap kita, Sabi ko mahal kita. Niyakap mo ako, Sabi mo mahal mo rin ako.
Nakita kita, Kasama mo siya. Sabi mo sa kaniya, kaibigan ako. Ako ba niloloko mo?
Ako nga siguro ang niloloko mo. Kasi sa harap niya kaibigan ako. Kapag ako nasa harap mo, Mahal mo ako.
Puwede bang huwag ka nang humarap sa kaniya? Para ako na lang ang mahal mo. Puwedeng sa akin ka na lang humarap. Para alam kong ako lang ang mahal mo.
Kakayanin ko magmaang-maangan. Kahit sarili pagsinungalingan. Kahit dayain ko ang nararamdaman. Masabi kong akin ka lang.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SAVAGEBLOSSOM WATTPAD2018 ALL RIGHTS RESERVED ------------------------------------