Hindi ko man masabi ang nadarama kong ito sa iyo,
Sana madama mo sa bawat liriko ng tulang ito
Ang lahat ng ninanais ipabatid ng pusong ito.
Sana mabasa mo ito sa panahong nakatakbo na ako
Sa masamang panaginip na idinulot mo.
Pinili kong layuan ka. Para maging masaya ka. Hindi para sa akin. Kung hindi para sa inyong dalawa.
Pinili kong iligtas ka. Para maging matagumpay ka. Kahit hindi para sa akin. Para sa katuparan ng mga pangarap mo.
Pinili kong palayain ka. Para makapili ka. Kahit hindi ako ang mapili. Basta iyon ang tunay mong damdamin.
Pinilit kong limutin ka. Pero hindi ko pala kaya. Kaya kong gawin lahat. Huwag lang ang kalimutan ka.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SAVAGEBLOSSOM WATTPAD2018 ALL RIGHTS RESERVED ✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏✏