Hindi ko man masabi ang nadarama kong ito sa iyo,
Sana madama mo sa bawat liriko ng tulang ito
Ang lahat ng ninanais ipabatid ng pusong ito.
Sana mabasa mo ito sa panahong nakatakbo na ako
Sa masamang panaginip na idinulot mo.
Bakit nga ba sa iyo ako'y tatanga-tanga? Itong puso ko sayo'y aanga-anga. Humiling akong sana'y ako na lang siya. Nang sa gano'n ako r'yan sa tabi mo'y kay saya-saya.
Pinagmamasdan ka sa isang tabi. Nangangarap na ako ang dahilan ng 'yong pagngiti. Ngunit kahit anong kubli Kailanma'y hindi na mangyayari.
Sana kasama kita habang ako'y masaya. Tumatawa, humahalakhak, at maligaya. Ang katotohana'y kulang pa. 'Pagkat nasa iyo pa ang natitirang pyesa.
Mapalad na ako kung ika'y mapatingin. Ang aking pagngiti ay handa pa rin. Umaasa na makita mong puso ko'y sa iyo pa rin. 'Pagkat ako'y sa iyo ay mayroon pa ring pagtingin.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SAVAGEBLOSSOM •WATTPAD2018• This picture is not mine.