Hindi ko man masabi ang nadarama kong ito sa iyo,
Sana madama mo sa bawat liriko ng tulang ito
Ang lahat ng ninanais ipabatid ng pusong ito.
Sana mabasa mo ito sa panahong nakatakbo na ako
Sa masamang panaginip na idinulot mo.
Puwede bang pahiram muna siya? Hindi ko pa kasi kaya na wala siya. Hindi ko pa kayang maging masaya. Hindi ko pa kayang tumayo sa sarili kong mga paa.
Puwedeng balewalain mo muna siya? Para maisip man lang niya ako kahit minsan lang. Para malaman niyang nandito pa rin ako kung saan ako ay iniwan niya. Para maramdaman niyang may nananatili pa ring naghihintay sa kaniya.
Puwede bang saktan mo muna siya? Alam kong sa akin ang balik niya. Alam kong sa akin ang punta niya kapag wala ka. Alam kong sa akin siya maglalabas ng mga nararamdaman niya.
Puwede bang pahiram muna siya? Miss na miss ko na kasi siya. Kahit saglit, maging akin lang muli siya. Kaunting oras para makausap kong muli siya.
Palimos ng kaunting kasiyahan. Hindi ko kasi ito mabayaran. Hindi ko mabili dahil kulang aking pambayad. Masiyadong mahal ang presyo upang malimot ko siya.
Hindi ka naman bagay para bilhin. Hindi bagay para hiramin. Hindi naman pera para limusin. Ngunit sadyang gusto kong muli kang angkinin.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
---------------------------- SAVAGEBLOSSOM Wattpad2018 All Rights Reserved --------------------------