Hindi ko man masabi ang nadarama kong ito sa iyo,
Sana madama mo sa bawat liriko ng tulang ito
Ang lahat ng ninanais ipabatid ng pusong ito.
Sana mabasa mo ito sa panahong nakatakbo na ako
Sa masamang panaginip na idinulot mo.
Ako nga pala ay gumagawa ng tula. Kahit na ito'y hindi tugma-tugma. 'Pagkat akin lamang tinta Pusong nahulma sa sakit at dusa.
Puso ko'y kay pait. Tila wala nang papalit. Saya man ang hiling. Hiyaw ng kalungkutan ang humahalinghing.
Hawak ko ay sandata ng isang makata. Dibdib ko'y humihiyaw. Nagsasabing mahal pa rin kita. Ngunit dito na lamang sa tula ito naisisigaw.
Saktan mo pa ako. Upang makalikha pa ako. Ng maraming tula. Na i-aalay para sa iyo.
Pagsama-samahin ko man ang mga salita. Kahit hindi tutugma-tugma. Tula ko man ay sawi pareho ng aking tinta. Umaasa ako kahit isa sa mga ito'y magmamarka.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SAVEGBLOSSOM wattpad2018 All Rights Reserved ------------------------------------