Hindi ko man masabi ang nadarama kong ito sa iyo,
Sana madama mo sa bawat liriko ng tulang ito
Ang lahat ng ninanais ipabatid ng pusong ito.
Sana mabasa mo ito sa panahong nakatakbo na ako
Sa masamang panaginip na idinulot mo.
Pagmasdan mo ako, Tunay na humahanga sa iyo. Hindi dahil sa taglay mong kisig. Hindi sa laki at tigas ng iyong bisig. Kundi sa ganda ng iyong mga titig At kislap ng iyong mata na sa akin ay nakatitig.
Ilang letra kaya ang aking isasatitik. Upang ilarawan ang mahabang pilik mata mong malantik. Kita mo ba ang aking paghanga sa mata mong walastik. Kita ko ay totoong ikaw kahit lagi kang may saltik.
Tandang-tanda ko pa noon kung paano ka lumuha Nang magpalagay ka ng eye liner sa iyong mata. Hindi ko kasi kaya ako'y hiyang-hiya. Baka makita mong ako'y hangang-hanga.
Iba man ang naglagay sa iyo. Naroon naman ako nakatapat lamang sa iyo. Doon ko napagmasdan, Mga matang mamahalin ko kailanman.
Kita ko sa iyo, mata mong nilulunod ako. Kita ko sa iyo, titig mong napapatulala ako. Kita ko sa iyo, tingin mong napapangiti ako.
Sa iyo ko kita, pag-ibig na sa tingin pa lang ng mata. Alam kong ikaw na.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SAVAGEBLOSSOM Wattpad2018 All Rights Reserved --------------------------------------