Tula #13

435 35 2
                                    

Titulo: Paglaya na kaya?

 Hayaan mo na ako ritong mag-isa,
habang ika'y nar'yan at nagpapaka-saya.
Tanggap kong ika'y may bago na,
Sadyang hindi lang matanggap na ika'y naka-limot na.
Paano ko sisimulan ang pusong dinurog mo noo'y buo na.
Akala ko'y ikaw na ngunit hindi pa pala.
Hangad ko ang kaligayahan mo 
kahit hindi ako ang nasa piling mo.
Sana'y kamtin mo ang mga pangarap mo,
At matuto ka sa mga ginawa mo.
Malaya ka na mahal ko,
kahit nanatiling wasak ang puso ko.
Hindi na muling mangangarap,
na sana tayo ang magkayakap.
Sa tuwing ako'y aasa,
Sadyang lungkot lamang ang dala.
'Pagkat tanggap ko na,
puso mo'y laan sa iba.
Paalam mahal ko,
salamat dahil minsa'y naramdaman ko,
Pag-ibig mong minsan sa akin ay napadako.

Paalam mahal ko,salamat dahil minsa'y naramdaman ko,Pag-ibig mong minsan sa akin ay napadako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SAVAGEBLOSSOM--

Tula Ng SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon