Hindi ko man masabi ang nadarama kong ito sa iyo,
Sana madama mo sa bawat liriko ng tulang ito
Ang lahat ng ninanais ipabatid ng pusong ito.
Sana mabasa mo ito sa panahong nakatakbo na ako
Sa masamang panaginip na idinulot mo.
Magpapahinga muna, 'pagkat pagod na. Magpapahinga muna, Dahil sawa na.
Napagod na ako. Sa kakahintay sa pagbabalik mo. Napagod na ako, Sa pagluha nang dahil sa iyo.
Nagsawa na ako. Sa kaka-asa na babalikan mo ako. Nagsawa na ako Na umasang ako pa rin ang mahal mo.
Magpapahinga lang muna ako. Hindi dahil hindi na ikaw ang mahal ko. Magpapahinga lang muna ako, Dahil kahit anong gawin ko, alam kong hindi naman ako ang para sa iyo.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
------------------------- SAVAGEBLOSSOM Wattpad2018 All Rights Reserved -------------------------