Tula #32

144 7 0
                                    

Titulo: Pag-ibig na hindi napansin

Sino ka?
Tanong mo sa akin.
Ako ang nagmamahal sa iyo,
Sagot ko.

Hindi ko matandaan.
Angal mo sa akin.
Hindi mo naman kasi alam,
Sagot ko.

Bakit hindi mo pinaalam?
Tanong mo.
Pinakita at pinadama ko.
Sagot ko.

Tumingin ka sa akin.
Yumuko ako bigla.
Nahihiya ako.
Hindi ako sanay.

Lumapit ka sa akin.
Nanatili ako.
Numipis ang espasyo sa pagitan natin.
Naamoy ko ang iyong paghinga.

Lumakas tibok ng dibdib.
Pati aking kamay ay namamawis.
Nanlalambot mga tuhod.
Kakaibang epekto kapag ikaw ay malapit sa akin.

Nagtanong kang muli kung sino ako.
Hindi na ako makasagot.
Bakit hindi mo pa rin ako naaalala?
Ako ang tunay na nagmamahal sa iyo noon pa man.

Nasa malayo lamang ako.
Tinitignan ka,
Pinagmamasdan ka.
Gumagawa ng mga tula na hinding-hindi mo naman mababasa.

Nasa malayo lamang ako.
Pinapangarap ka,
Dinadalangin ka.
Ginagawan ng kuwento na tayong dalawa ang magkasama hanggang dulo.

Hindi naman ako makalapit dahil kapiling mo'y iba.
Hindi mo naman ako mapapansin 'pagkat mahal mo'y iba.
Hindi mo naman ako makikita sapagkat bulag ang puso mong makita ako.
Hindi mo talaga ako makikilala, dahil kahit kailan hindi mo pinansin na mahal kita.

--------------------------SAVAGEBLOSSOMWattpad2018All Rights Reserved---------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

--------------------------
SAVAGEBLOSSOM
Wattpad2018
All Rights Reserved
---------------------------

Tula Ng SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon