Hindi ko man masabi ang nadarama kong ito sa iyo,
Sana madama mo sa bawat liriko ng tulang ito
Ang lahat ng ninanais ipabatid ng pusong ito.
Sana mabasa mo ito sa panahong nakatakbo na ako
Sa masamang panaginip na idinulot mo.
Bakit kailangan palayain, kung hindi ka naman naging akin. Bakit kailangan kitang mahalin, kung hindi mo rin lang naman iibigin. Bakit kailangan magtagpo, kung hindi lang din tayo magkakatuluyan hanggang dulo. Bakit kailangang masaktan at magdusa, sa pag-ibig na kailanman ay hindi laan para sa isa't-isa.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.