Tula #35

149 5 0
                                    

Titulo: Hi. Hello. Goodbye.

Hi.
Una mong bati sa akin nang ako ay biglang iyong makita.
Ngiti lamang naman sagot ko dahil ayaw sana kitang makilala.
Ginamit mo ang gasgas na tanong.
Musta ka na?
Ginamit ko rin ang gasgas na sagot.
Okay lang.
Dito naman talaga nag-uumpisa ang isang usapan.
Sa isang Hi.
Isang Hi, na pinagmulan ng lahat.
Isang Hi, na pinagsimulan ng lahat.
Isang Hi, na pinag-ugatan ng lahat.
Hi,
Dalawang letrang hindi pa nakakasisi sa umpisa.
Dalawang letrang sana hindi na lang tinugon pa.
Dalawang letrang hindi naman tanong pero bakit kailangan kong ngitian ka pa?
Simpleng Hi na nagdulot sa akin ng ibayong kapighatian.
Isang Hi na umani ng lahat ng sakit na hindi ko pa nararanasan.
Isang Hi, na bumago at nagpabago ng takbo ng aking buhay.

Hello.
Pangalawa mong bati nang sunod-sunod nating pag-uusap sa telepono.
Para akong naaadik na naghihintay sa tawag mo.
Nakalimutan ko na nga ang quiz para bukas.
Madinig ko lang, boses mong nagpapakabog sa puso kong kay lakas.
Humahanap ng mga dahilan makausap ka lang.
Kahit kinabukasan alam kong puyat lang ang siyang aking alam.
Pag-ibig--
Sadiyang lahat ipagpapalit,
Marinig ka lamang.
Pagibig--
Sadiyang lahat ipipilit,
Makausap ka lamang.
Pagibig--
Sadiyang lahat ikakamit,
Mapasaya ka lamang.
Hello.
Tawag na sa akin nagpapasaya.
Tawag na siyang aking pinakahintay-hintay at ligaya.
Tawag na siyang akin ay hinahanap-hanap pa.

Goodbye.
Pagwawakas ng ating mundo.
Mundong binuo ngunit tinapos din nang lumaon.
Mundong hindi na sana sinimulan dahil tatapusin lang din naman.
Mundong kailanman ay hindi inasam dahil isa lamang pala itong pa-tikim.
Mga katagang hindi ko inaasahan dahil masaya lang naman tayo, hindi ba?
Tuloy-tuloy ang kwentuhan.
Pero isang araw, nagbago na lang lahat.
Nawala na ang araw-araw mong hello at hi.
Pati gasgas na tanong na musta ka?
Kumain ka na ba?
Anong gawa mo?
Napalitan na ng paghahanap dahil hindi mo na pinapadama.
Naglalahong isang parang bula.
Hinanahanap dahil lubusang nawawala.
Pag-ibig na natagpuan, ngayo'y nawala na lang bigla!
Goodbye--
Sadiyang paalam na sa wakas ay lalaya.
Sadiyang paalam na hindi ko inasam-asam.
Sadiyang paalam na dahilan kung bakit hanggang ngayon umiiyak pa rin ng madaling araw.
Goodbye--
Kung saan natatapos na nga ba ang lahat?
Kahit ito'y paalam na,
Umaasa pa rin akong mabigyan ng panibagong Hi.
Ngunit kahit anong kapit, kung hindi sasapit, hindi talaga susukbit.
Goodbye.
Paalam.
Wala nang bagong Hi.
Wala nang kasunod na Hello.
Purong goodbye na lamang, wala nang kasunod.
Sa masakit na paglaya kagaya nito.
Sa masakit na paghakbang kagaya nito.
Sa masakit na pagtanggap na kagaya nito.
Paalam,
Goodbye.

Minahal kita!

---------------------------SAVAGEBLOSSOMWattpad2018All Rights Reserved--------------------------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---------------------------
SAVAGEBLOSSOM
Wattpad2018
All Rights Reserved
--------------------------

Tula Ng SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon