Hindi ko man masabi ang nadarama kong ito sa iyo,
Sana madama mo sa bawat liriko ng tulang ito
Ang lahat ng ninanais ipabatid ng pusong ito.
Sana mabasa mo ito sa panahong nakatakbo na ako
Sa masamang panaginip na idinulot mo.
Bakit kaya hindi? Bakit kaya hindi nalang tayo? Hindi pwede kasi maitim ka, maputi ako. Hindi pwede kasi mayaman ka, mahirap lang ako. Hindi pwede kasi bagsak ka sa quiz at palaging highest ako. Hindi pwede kasi magaling ka sa sports at ako lampa. Hindi pwede kasi loko-loko ka at ako ay seryoso. Hindi pwede kasi payat ka at mataba ako. Hindi pwede kasi malakas ang loob mo at mahiyain ako. Hindi pwede kasi malakas ka at mahina ako. Hindi pwede kasi mahal mo siya at ako, mahalkita.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.