Hindi ko man masabi ang nadarama kong ito sa iyo,
Sana madama mo sa bawat liriko ng tulang ito
Ang lahat ng ninanais ipabatid ng pusong ito.
Sana mabasa mo ito sa panahong nakatakbo na ako
Sa masamang panaginip na idinulot mo.
Tahimik lamang dito sa sulok. Dinaramdam bawat tibok. Kung hindi na ba titigil ang bawat kirot. O may lagusan pa ba palabas ng lungkot.
Takip-takip ang bibig. Upang walang makarinig. Bawat hikbi, Pikit-mata sa pagtitimpi.
Mahirap umasa. Lalo na 'pag nag-iisa. Kung makaalis lamang sa taguan. Sana'y 'di ka na matagpuan.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.