Hindi ko man masabi ang nadarama kong ito sa iyo,
Sana madama mo sa bawat liriko ng tulang ito
Ang lahat ng ninanais ipabatid ng pusong ito.
Sana mabasa mo ito sa panahong nakatakbo na ako
Sa masamang panaginip na idinulot mo.
Palagi tayong magkausap. Gusto mong lagi akong kaharap. Tuwing ika'y aking kausap, Pilik mata ko'y pakurap-kurap.
Masaya tayong magkasama. Laging namamasyal sa dambana. Binubuo mga pangarap. Saksi ang mataas na alapaap.
Inaya kita kumain. Sabi ko, kain tayo. Wala nga pa lang tayo. Kaya tara, kain ka at ako.
Wala namang matatawag na tayo. Ikaw mismo ay hindi sigurado. Kung pag-ibig na nga ba ay totoo. At kung tiyak na bang hindi duda lamang ito.
Maghihintay lamang ako. Na maging tunay lahat ng ito. Upang sa tamang panahon. May matawag na akong tayo.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
------------------------------ SAVAGEBLOSSOM Wattpad2018 All Rights Reserved ----------------------------