Chapter 1

9.7K 197 7
                                    

Bar.

Napakalakas ng togtog, nangangamoy alak ang buong paligid. Nakakasilaw ang mga ilaw. Nakakahilo ang ingay.

Hindi ko alam kung bakit dito gustong gustong pumunta ng mga kabataang katulad ko.

Yung totoo ayaw ko talaga sa ganitong lugar pero wala akong magagawa isa lang ito sa mga negosyong pagaari ng nagiisang lalaki sa buhay ko.

"Your order maam.?" Tanong sa akin ng gwapong bartender na ngumiti ng malapad kaya naman kitang kita ko ang pantay at mapuputi nyang mga ngipin.

Talaga bang dapat gwapo at hot ang mga bartender.

But wait I know him hindi naman talaga sya bartender. I think he just want to play a game with me.

Nginitian ko rin sya ng matamis.

"Ikaw." Sabi ko Sabay pa cute.

Nakita kong pinamulahan sya ng bahagya.

I know it.

Ganun naman talaga madalas ang epekto ko sa mga lalaki.

Pero agad din syang nakabawi.

Ipinatong nya ang kanyang dalawang braso sa bar counter sa harap ko at inilapit nya sa akin ang kanyang mukha.

"For you pwede akong pang take-out. How about that.?"

I can smell his minty breath.

Nagtayuan ang balahibo ko sa batok.

Mas lalo syang naging gwapo sa paningin ko.

Ng makabawi ako ay ginaya ko rin ang ginawa nya.

Ipinatong ko rin ang aking braso sa bar counter at inilapit ko ang mukha ko sa kanya.

Kaya naman halos isang dangkal na lang ang pagitan ng mga mukha namin.

"Really... are you sure you can make a room for me."

Gamit ang likod ng aking hintuturo ay hinaplos ko ang kanyang pisngi papunta sa kanyang baba.

Nakita kong gumalaw ang kanyang adams apple, ibig sabihin napalunok sya sa ginawa ko.

Dahan dahan nyang  inilapit ang kanyang mukha ng hindi inaalis ang kanyang mata sa mata ko.

Ng biglang may kumabig sa akin sabay batok sa lalaking kaharap ko.

"Not my girl Adam." Mariing sabi nito.

"Sam.." Magkasabay naming sabi ng lalaki.

"What do you think your doing asshole.?" Galit na sabi ni Sam na masamang masama ang tingin sa bartender.

Itinaas ng bartender ang kamay nya.

"Easy Boss. Sorry i don't know that she’s your girl.... Wait..What...seryoso.?" Tila hindi makapaniwalang sabi nito.

"Deadly serious Hendrix."

Inakbayan ako ni Adam, yumakap naman ako sa beywang nya.

"Meet Samantha...." Sabi ni Sam.

"Oh..hi.....Adam Hendrix best friend ni Sammy boy." Pagpapakilala nya sa kanyang sarili sabay abot sa akin ng kanyang kamay.

Nakipagkamay naman ako sa kanya.

"Nice meeting you in person Adam." Sabi ko.

"Same here...So your Sam... Ang only girl sa buhay ni Sam."

"Call me Samanta when I'm with him para hindi ka malito."

Pareho kasi kaming Sam. Ako Samantha sya Samuel.

" Okey Samantha." Nakangiting sabi nya.

Tinapik ni Sam ang kamay ni Adam para bumitaw sa pagkakakamay sa akin.

"Grabe ka naman ka possessive, para kang maagawan." Panunukso nito kay Sam.

"Nagiingat lang wala kasi akong tiwala sayo. Pakialaman mo na lahat ng babae sa mundo wag lang to." Sabi nya sabay halik sa noo ko.

"How’s your flight baby.?" Tanong nya sa akin ng nakaupo na sya sa stool na katabi ko.

Magkahawak kamay kami habang maguusap.

May hawak syang wine glass na may lamang alak sa kanyang isang kamay habang ako pinapalitan nya ng juice ang tequila ko.

"Okey naman."

"Sorry kung hindi na kita nasundo sa airport natagalan kasi yung meeting ko."

"Okey lang yun, mas okay nga sana kung hindi mo na lang ako pinasundo para naman naranasan ko mag commute sa ma traffic na kalsada ng Pilipinas."

"Wag kang magalala dahil mula ngayon mararanasan mo na yan araw araw."

"That’s for sure."

Biglang may naupo sa katabi kong stool paglingon ko si Adam na naka ngiti na naman.

"Tapos ka na.?" Tanong dito ni Sam.

"Yes boss." Sagot nito sabay thumbs up.

"Baby si Adam na muna ang bahala sayo kailangan ko kasing bumalik sa office may tatapusin pa akong trabaho...okey lang ba.?... kung hindi ihahatid na muna kita sa bahay."

"No its fine. Mukha namang magkaka sundo kami nitong best friend mo."

"Dyan ako kinakabahan, wala pa naman akong tiwala sa kanya."

"Sobra ka naman... ano namang akala mo sa akin cradle snatcher."

"Mabuti naman alam mong masyado kang matanda para sa kanya. So pano ikaw ng bahala sa baby ko, wag mong hahayaang may ibang lalaking makakalapit sa kanya at ikaw ang malilintikan sa akin."

"Whatever." Sagot ni Adam.

Natawa na lang ako sa usapan nila.

Bago umalis si Sam ay humalik muna sya sa aking pisngi.

"Be home before 11."

"Okay."

"Adam ihatid mo sya at magiingat ka sa pag dadrive. Kapag yan nagasgasan kahit kunti patay ka sa akin."

"Yes dad." Nakakalokong sabi ni Adam.

Bigla nyang tiningnan ng masama ang lalaki.

Parang nagets naman agad ni Adam ang ibig sabihin ni Sam.

"Joke lang... ito naman."

Pagkaalis ni Sam ay nagyaya si Adam na lumipat ng pwesto. Sa bahagi ng bar na hindi gaanong maingay at matao kami naupo.

" When Sam's tell me about you ang na i imagine ko ay isang bata na spoiled brat at maarte, but looking at you now, mukhang nagkamali ako." Pagbubukas ni Adam ng usapan.

"Bata talaga ang tingin mo sa akin ano... Hey FYI po I'm 23 years old already kaya hindi na ako bata."

"And I'm 30 kaya bata ka pa rin para sa akin."

"And Sam is 40.. How come na nagi kayong mag best friend.? I mean with that age gap for sure magkaiba kayo ng hilig." Sabi ko bago uminom ng cocktail na nakipagtalo pa talaga ako sa kanya bago sya pumayag na ipainom sa akin. Baka raw kasi patayin sya ni Sam kapag nalasing ako.

Nakalimutan nya na yata kung gaano kalakas ang tolerance ko sa alcohol.

"Matured ako magisip at kumilos habang si Sam naman laging feeling bata kaya nagtagpo kami sa gitna."

"hmm I see." Tumango tango ako.

"Ikaw Samantha you are 16 years older than Samuel pero tingin ko parang wala lang sa inyo yun, you get along with its other pretty well."

Ngumiti ako yung ngiting mula sa puso.

"Its because we love each other so much. And I think I will never love any other man the way I love him."

Sam & AdamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon