Chapter 12

3K 132 3
                                    


Sa construction site ng isa sa ipinapagawang building ng CGC ako dinala ni Adam.

Its a 30 floor residential building Patapos na ang patrabaho mga finishing works na lang ang ginagawa.

"Bakit dito.?" Tanong ko sa kanya ng tumigil ang sasakyan.

"Ang paalam ko kaya Sam ay isasama kita sa site, kaya dito kita dinala."

Pinagbuksan nya ako ng pinto at magkasabay kaming pumasok sa loob.

May mga trabahador na na naroroon. Agad nila kaming binati.

May mga ipinakilala sya sa aking mga tao yung mga namamahala sa pa trabaho.

Sumakay kami ng Elevator halatang kagagawa lang niyon dahil may plastic cover pa ang mga button.

Pinindot nya ang Letter P (Penthouse).

Pagkasarang pagkasara ng pinto ay agad nya akong niyakap ng mahigpit.

"Kanina ko pa gustong gawin to ng walang takot at pagaalinlangan." Mahinang sabi nya.

Hindi ako gumanti ng yakap.

Galit pa rin ako sa kanya.

"God, i miss you so much Samantha."

Nanatiling yakap nya lang ako hanggang sa bumukas ang elevator, hindi ako nagreklamo kasi gusto ko rin yun.

Pinagsalikop nya ang mga daliri namin at inakay ako papunta sa loob ng nagiisang pinto sa buong floor.

Nagulat ako ng makitang fully furnish iyon at fully airconditioned na rin.

Napakalaki ng buong unit at ang lahat ng gamit puro bago at mamahalin.

"Dito ako nagtago bago ako pumunta ng Europe."

Naka patong sa isang beywang nya ang kanyang isang kamay at humahaplos naman sa kanyang buhok ang kanyang isang kamay.

Mukhang kinakabahan sya ng husto.

"So inaamin mo na pinataguan mo ako."

"Yes nagtago ako kasi natakot ako na baka pag nakita kitang muli pagkataoos ng gabing yun paulit ulit kong gawin sayo yung ginawa ko... at natakot ako na baka sa susunod hindi ko na magawang pigilan ang sarili ko at makalimutan ko na anak ka ng best friend ko."

This time dalawang kamay na ang ginamit nyang panghaplos sa kanyang mukha papunta sa kanyang buhok.

"Ganun ka ba katakot sa daddy ko na hindi mo man lang naisip ang nararamdaman ko."

"No... hindi ako takot sa kanya, kaya kong harapin ang galit nya, kaya kung panindigan ang nararamdaman ko para sayo sa harap nya."

Nararamdaman.?

Ayaw kong mag assume kasi ayaw kong masaktan uli.

"Kahit na patayin ka pa nya."

Tumango sya.

"Yes.. kahit patayin nya pa ako, lahat kaya kong gawin para sayo."

"Then why you have to do that.?"

"Because the timing is not just right... Ang dami ng inalala ng Daddy mo sa ngayon ayaw ko ng dagdagan pa yun. You are his weakness and strength Samantha, kapag nalaman nya ang nangyari sa atin hindi nya kakayanin yun.. lalot ako pa na best fiend nya ang gumawa nun."

"Alam mo naman pala. Bakit ginawa mo pa rin.?"

Tiningnan nya ako yung tingin na maraming ibig sabihin pero wala akong maintindihan.

"Yan din ang tanong na hindi ko alam ang kasagutan... at kung alam ko man ayaw kong paniwalaan."

Kapwa kami nahulog sa malalim na pagiisip.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin.

"Anong gagawin natin ngayon.? "

"Kaya mo bang maglihim sa daddy... just for the time being... when the right time comes ako mismo ang magsasabi sa kanya." Sagot nya.

"Bakit mo pa sasabihin sa kanya kung pwede namang kalimutan na lang natin ang nangyari." Sinabi ko yun ng hindi nakatingin sa kanya.

"So sinasabi mo ba na magkunwari tayo na parang walang nangyari.?"

Nagkibit balikat ako.

"Kaya mo ba yang panindigan.?" Nanghahamong sabi nya.

Kaya ko nga ba.?

For the sake of my father kakayanin ko.

Bumalik kami sa CGC main office pagkatapos naming magusap, kapwa kami hindi nagsalita, wala naman kasing dapat pagusapan.

The whole week na intern ako sa department ni Adam ay ibayong pakikipagbaka para sa akin.

To think na nasa kabilang opisina lang sya at may connecting door sa loob mismo ng opisina namin ay nakakapraning. Mabuti na lang iniassign nyang maging Trainor ko ang EA nya na si Mrs. Dominguez. Kaya naman hindi kami madalas magkita maliban na lang sa mga meetings kasama ang mga staff nya.

On the second week pumunta sya ng Tagaytay para sa pagsisimula ng construction ng Condotel na itatayo namin doon.

Pero sa halip na makahinga ako ng maluwag ay mas nahirapan ako kasi na mimiss ko sya ng husto.

Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa akin.

Am I falling for him. Posible bang yung simpleng attraction na nararamdaman ko sa kanya ay mas lumalim pa sa kabila ng pagpipilit kong kong patayin ang kung anomang damdamin meron ako para sa kanya.

On the third week na wala sya ay para na akong mababaliw.

Countless time na sinubukan kong tawagan sya pero matapos kong isearch ang number nya ay hindi ko naman magawang pindutin anf call button, ilang ulit rin akong nagtype ng text message para sa kanya pero paulit ulit kong oinapalitan ang content ng message ko, pero hibdi rib naman magawagawang pindutin ang send message.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatingin sa screen ng phone ko ng biglang may incoming call.

Sam's calling.

"Hello dad..." Sabi ko.

Ilang saglit rin na hindi nakapagsalita ang nasa kabilang linya.

"Baby are you sick." Tanong nya sa akin.

"I'm not... Bakit mo naitanong.?"

"Tinawag mo akong dad.. ang alam ko tinatawa mo lang aking dad kapag may sakit ka o kaya heartbroken... Kung wala kang sakit si ibig sabihin heart broken ka. What happen Samantha baby." Bakas ang pagaalala sa kanyang boses.

"I'm fine Sam... wag kang OA." Sabi ko na pilit pina sigla ang boses ko.

"Thanks God kung ganun..." Narinig ko ang marahan nyang pagbuga ng hangin palatandaan na nakahinga sya ng maluwag

"Bakit ka napatawag.?" Tanong ko.

"Baby.. pumunta ka ng Tagaytay ngayon din, hindi ko makontak si Adam wala ring nakakaalam kung nasaan sya, that asshole... "

Biglang sinalakay ang dibdib ko ng pagaalala.

"What...? Why...?"

"I have no Idea... basta ang sabi ng mga kasamahan nya sa Tagaytay madalas daw itong wala sa sarili at gabi gabing naglalasing."

"Dad pahiram ng Adventure mo pupunta ako ng Tagaytay ngayon din."

Sam & AdamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon