Chapter 25

2.8K 125 7
                                    

Mas lalo akong nagulohan sa naging reaksiyon ni Dad. Ni minsan ay hindi nya ako pinagtaasan ng boses. Kahit gaano pa kainit ang pagtatalo namin ay hindi nya ako sinisigawan.

Sino ba talaga si Talia para mag react sya ng ganun.

Kinabukasan ay hindi ko naabotan si Sam maaga daw umalis sabi ng mga katulong. Buong maghapon din syang wala  sa opisina nya.

Kinagabihan ay  hindi ko makontact si Adam, inisip ko na baka busy lang sya. Buong maghapon ng sumundod na araw ay hindi man lang sya nag txt o kaya tumawag man lang.

Pangalawang araw na wala akong contact kay Adam ay kinabahan na ako.

Buong maghapon na wala akong inisip kundi sya.

Palabas na ako ng CGC building ng mapansin kong may nagkakagulo sa entrance ng building.

Inalam ko kung ano ba ang nangyayari.

“Please gusto ko lang naman syang makausap parang awa nyo na.” Sabi ng isang babae.

“Sorry maam pero hindi po talaga pwede… Bawal na kayomg pumasok sa loob.” Sabi ng isang lalaking gwardiya.

Kilala ko ang babae. Si Talia.

Nagmamadali akong lumapit sa kanila.

“Ano bang nangyayari dito.” Tanong ko sa mga guard.

“Maam… nagpupumilit po syang pumasok, may utos po si Mr. Collin na wag syang papasokin.”

“Samantha help me please gusto ko lang makausap ang daddy mo.” Naluluhang sabi ni Talia.

“Padaanin nyo sya.” Utos ko sa mga ito.

“Maam hindi po talaga pwede.” Sabi ng guard.

“Papasokin nyo sya ako ng bahala kay Daddy.”

“Maam mahigpit po ang utos ng CEO.. at bawal din po syang lumapit sa inyo.”

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng gwardiya.

Lalapitan ko sana si Talia pero humarang sya sa daraanan ko.

“Maam maawa po kayo sa amin kami naman po ang mawawalan ng trabaho kapag sinunod namin ang gusto nyo.”

Nagpumilit pumasok si Talia kaya hinarangan na sya ng tatlong gwardiya.

“Gusto ko lang syang makausap… parang awa nyo na… Samantha call your dad please sabihin mo sa kanya magpapaliwanag ako ngayon lang… last na to… pagkatapos nito hindi na ako magpapakita sa inyo… please baby…” Umiiyak na sabi niya.

Nag pumilit din akong makalagpas sa mga gwardiyang nakaharang sa akin.

“Samantha anak…”  Tawag sa akin na Talia.

Biglang kumabog ang dibdib ko pagkarinig sa sinabi nya.

“Samantha baby…”Tawag nya uli sa akin.

Mas lalo akong nagpumilit na makadaan sa mga nakaharang sa akin. Hinawakan na nila ako sa magkabilang braso tulad ng ginawa nila kay Talia.

“Let her go!...” Magkasabay na sigaw ng dalawang lalaki.

Pagtingin ko sa loob ay nakita ko si Sam na matalim ang tingin sa mga gwardiyang may hawak kay Talia. Pagtingin ko naman sa entrance ay nakita ko si Adam na galit na nakatingin sa mga gwardiyang may hawak sa akin.

Wait si Adam…. Anong ginagawa nya rito.

Mabilis na lumapit sa akin si Adam at inagaw ako mula sa mga gwardiya.

“Sino ang nagsabi sa inyo na pwede nyong hawakan ang girlfriend ko.” Galit na sigaw nya sa mga ito.

“Let her go morons… ang sabi ko sa inyo pigilan nyo lang sya na makapasok hindi ko sinabi sa inyo na hawakan nyo.” Galit naman na sigaw ni Sam sa mga gwardiyang may hawak kay Talia.

Tulad ng ginawa ni Adam inagaw nya rin ito mula sa mga may hawak dito.

“At ikaw naman hindi ba binalaan na kita na wag na wag kang lalapit sa anak ko.”

Akala ko ay si Adam ang kausap nya pero hindi kasi kay Talia sya nakatingin.

“Sam please for the last time mag usap tayo, pakinggan mo na man ang mga paliwanag ko.”

“Wala akong pakikinggan na kahit ano mang paliwanag na nagmumula sayo… Umalis ka na… lumayo ka na… at wag na wag ka na uling lalapit sa anak ko.!” Sigaw ni Sam.

“Anak ko rin sya Sam.!” Ganting sigaw naman ni Thalia.

Doon na nag sink in sa akin ang realidad.

“Wala kang anak Talia… anak ko lang sya…”

“Ako ang nagbuntis at nagluwal sa kanya Sam… ako ang kanyang ina… anak ko sya.”

“ Ang kapal ng mukha mo…”.

Mabilis na kumilos si Adam para pumagitna sa dalawa.

“Enough Collin.!” Sigaw ni Adam kay Sam.

“Wag kang makikialam dito Hendrix.!”

“Makikialam ako kasi kaibigan ko yan at ina sya ng babaing mahal ko… inererespeto ko sya tulad ng pag respeto ko sayo hindi dahil sa kaibigan ko kayong pareho kundi dahil magulang kayo ni Samantha, kaya wag mong hintayin na maubos ang pasensiya ko at kalimutan ko na ama ka ng babaing pinakamamahal ko. Subukan mong manakit ng babae at papatulan talaga kita sinasabi ko sayo.”

Natigilan si Sam sa sinabi ni Adam.

“Ngayon masyado na tayong nakakaeskandalo dito . So if you don’t mind pwede bang umakyat tayo sa taas at doon natin pag usapan ang mga problema natin.”

Bumalik sa akin si Adam at niyakap ako sabay akay sa akin papunta sa harap ng elevator.

Wala namang nagawa si Sam kundi ang sumunod sa amin at sa likuran nya ay si Thalia.

Halos hindi humihinga ang lahat habang nasa loob kami ng Elevator. Nakakuyom ang kamao ni Sam at masama ang tingin kay Adam na nakayakap pa rin sa akin.

“Bitiwan mo yang anak ko.” Mariing sabi ni Sam.

“Shut up Sam… kahit magkamatayan pa tayo dito hindi ko sya bibitiwan…. Dahil hindi ako katulad mo na duwag.”

Uundayan nya sana ng suntok si Adam pero pinigilan sya ni Talia.

Hanggang sa nakarating kami pent house ay wala ng nagsalita sa amin. Masyadong ng magulo ang isip ko para magsalita  pa.

Si Sam ang nagbukas ng pinto una syang pumasok sumunod kami ni Adam at sumumod naaman si Talia.

Pinaupo ako ni Adam sa sofa bago sya kumuha ng tubig sa ref… kumuha sya ng dalawang bote isa para sa akin isa para kay Talia. Si Sam naman ay pumunta rin sa ref at kumuha ng dalawang lata ng beer isa para kay Adam at isa para sa kanya.

“Sinong unang magsasalita.?” Tanong ni Adam matapos uminom ng beer.

Walang nag salita.

“Okay ako na muna…” Si Adam.

“Babe… Siya si Talia Suarez mommy mo.”

“Alam mo ang tungkol doon?” Magkasalubong ang kilay na tanong ko sa kanya.

“Yes… pero hindi ko sinabi sayo kasi nga wala akong karapatang gawin yun… Its your dad’s secret kaya dapat sya ang magsabi sayo.”

“Sorry Anak… hindi ko sinabi sayo kasi alam ko kung gaano ka kagalit sa mommy mo. “

“Yah right galit nga ako pero karapatan ko pa ring malaman, kasi kung alam ko eh di sana hindi na ako lumapit sa kanya.” Naiiyak na naman ako.

“I’m sorry Samantha anak.” Sabi ni Talia.

“Its just Samantha for you.. wag mo akong tatawging anak.”

Nakitang kong may pumatak na luha mula sa kanyang mga mata.

Sam & AdamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon